C H A P T E R 19

309 10 0
                                    

L I S A

"Tama ba itong ginagawa natin Pranpiya?" Tanong ko  sa kaniya habang tinitingnan ko ang mga taong na labas pasok sa bahay ng mga Kim's.

Plano kasi ni Pranpiya na dito ako mag papakita sa mga Kim's. 'Eto na daw ang tamang pagkakataon para lumabas.

"Don't ever underestimate me Lisa. Maniwala ka sa akin, lalabas din ang taong sangkot sa skandalong ito."

"Pero hanggang kelan?"

"Alam mo ang sarap mong untugin, masyado kang nag mamadali. Akala ko ba gusto mo na
tulungan kita?" Pagkunot noong tanong ni Pranpiya.

"Natatakot kasi ako Priya,' nakayukong sagot ko.

Narinig ko ang paghinga ng malalim ni Pranpiya at hinawakan ang balikat ko.

"Wag kang matakot... Andito naman ako 'eh, di kita pababayaan sa loob."' Sabay pisil nito sa balikat ko.

Ngumiti lang ako ng tipid at muling tumingin sa mansion ng mga Kim's.

This is it Lisa... Sa oras na lumabas ka sa kanila, sigurado akong tulad dati. Dina naman ako titigilan ni Jennie,

"Anjan na siya, prepare your self. Tara." Yaya 'sakin ni Pranpiya, at una na itong lumabas.

Nagtatakang sumunod ako dito, dahil diko alam sino tinutukoy niya na andito na.

Dumaan kami sa kabilang gate kung saan naka abang ang isang lalaki na sa tingin ko ay isa sa mga bodyguard ng mga Kim's.

Di man lang niya kami nagawang harangan ni Priya, mukhang ine-expect na niya ang dating namin.

Hanggang sa humantong kami sa isang maliit na pinto. Kumatok si Pranpiya rito hanggang sa may bumukas.

"Kanina pa kayo hinihintay" Salubong ng lalakeng bumukas ng pinto.

"Asan siya?" Tanong ni Pranpiya.

"Nasa opisina niya."

Sumenyas si Pran sa akin para sumunod sa kanya. Kaya sumunod 'din ako rito agad.

Muling kumatok ito pero agad naman binuksan ni Pranpiya at di na hinintay ang pahintulot ng taong nasa loob.

Napagala ang paningin ko sa kabuuan ng kwarto, at una kong napansin isang kahabaang sofa at isang lamesita kung saan may isang single couch na may nakaupong matandang lalaki.

Napaatras ako bigla dahil nakilala ko kung sino ang matandang ito. At walang iba kundi ang matandang Kim.

Bakit diko siya napansin kanina?

"Buti naman lumabas kana sa lungga mo Manoban." Pormal na sabi nito.

Napatingin ako kay Pranpiya na ngayon ay nakasandig lang ito sa isang sulok ng pader habang nakapamulsa sa jogger pants niya.

Napaitlag naman ako ng biglang binagsak ng matanda ang baston nito para kunin ang atensyon ko.

Bigla itong napatayo at lumapit sa akin kaya napalunok ako wala sa oras.

"Matagal ko ng gustong gawin ito sayo." At sa isang iglap bigla na lang akong natumba sa harapan niya.

Napahawak tuloy ako sa panga ko dahil ito ang unang beses na may sumapak sakin.

Naramdaman ko ang mainit na likido tumutulo sa labi ko.

"Wala sa usapan natin ang saktan mo kapatid ko!" Kontra ni Priya at tinulungan akong tumayo.

"Dapat lang 'yan sa kapatid mong duwag. Swerte nga siya at ako lang may gawa niyan at di ko siya pinabugbug sa mga tauhan ko." Sagot nito.

"Kung sasaktan mo lang kapatid ko, 'pwes tapos ang kasunduan."

My Scandalous IntentionWhere stories live. Discover now