Kapitulo 3

3.9K 92 11
                                    

"I don't think I'll like the food here," mahina kong sabi kay Paula habang pinagmamasdan ko ang pagkain ng isang table.

"Try mo muna," balik ni Paula sa akin bago siya kausapin ni Mitchelle muli.

Tinignan ko ang paligid at napansing wala naman kaming mauupuan dito.

"Sa'n tayo uupo? Walang bakante." Anas ko kay Mari. "May aalis din diya'n, mag-abang ka, tapos upuan mo na."

Busy ang iba kong kasama sa pagdaldal o pagkuha ng litrato. Ako ay ginagala pa rin ang mga mata sa kabuuan ng lugar. The prices were similar to the place my friends and I ate in last Monday. Hindi ko lang masigurado kung masisiyahan ako sa mga pagkain dito dahil 'di naman sinabi ng ka-block ko na masarap, e.

Si Mari na ang nag-order para sa aming lahat. Ako ay abala sa paghihintay kung mayroon bang aalis na, para maunahan ko ang ibang naghihintay.

Nang umalis ang isang pamilya matapos kumain, walang hesitasyon akong tumungo sa maruming la mesa na 'yon para ma-reserve. Pero inunahan ako ni... Graham. Nonchalantly, he sat down and put his storage tube on the seat beside his.

Iritado ko siyang pinagmasdan. Nauna ako, ah! Hindi ba't napaka-obvious ko naman na ako ang nag-aabang sa la mesa na 'yon? Mas malapit lang siya, pero nauna akong mag-abang!

Badtrip.

Pag-angat ng ulo niya, nagkatinginan kami. Umiwas na ako ng tingin at bumuntong hininga. Sa ibang table na lang ako nag-abang. At kung minamalas ka nga naman, sa table pa na katabi nung kay Graham ang naging libre.

"Dani, kunin mo na 'yon, oh! Mauunahan pa tayo!" tinulak ako ni Mari patungo sa la mesang puno ng mga mangkok at pinggan.

Hindi ko pinansin ang tingin ni Graham. Umupo na ako at nagtawag ng maglilinis nung la mesa. Tumabi na rin sa akin si Mari at Mitchelle, kaya nawala na ang atensiyon ko sa mang-aagaw ng table. Maniyak na, mang-aagaw pa.

"Nakita n'yo na ba 'yong sh-in-are nung all-girls org?" tanong ni Mari habang kinakalikot niya ang phone niya. "Alin?" si Mitchelle.

Nasa harap na namin si Paula at Gwen, nag-CR kasi sila, kaya kararating lang.

"'Yong tungkol sa Miss U-Belt?" tanong ni Gwen habang nag-i-spray ng alcohol sa kamay niya si Paula.

"Nagka-campaign yata sila para may sumali ro'n since maganda rin 'yong prizes," paliwanag ni Gwen. "Walang sumasali? May balita kayo?" tanong ni Mari.

"May nag-apply na raw na higher batch, pero 'di ko sure if nakuha. Sa batch natin, feeling ko wala pang sumali." Sagot ni Gwen.

"Nasa harap na natin 'yong sasali, e," nilahad ni Paula ang kamay niya sa 'kin matapos sabihin 'yon. Kumunot ang noo ko at napailing ako.

"Ayaw mo? Malaki rin 'yong cash prize, ah? Tapos, ikaw ang representative ng UP, if ever."

"Magkano?"

"Nasa 30 thousand yata or 20?"

Napaisip ako. Hindi naman ako kailan pa sumali sa mga pageant, e. Although matangkad ako, hindi ko nahiligan ang ideyang maglakad gamit ang matataas na heels sa isang entablado. Hindi rin 'to gusto ni Mommy dahil iniisip niyang cheap ang mga sumasali sa ganito. Pero kung may premyo pa lang pera.... parang ayos lang...

"Ano'ng requirements?" tanong ko. Nanlaki ang mata nilang lahat bago nagtitili. Napatingin tuloy sa amin 'yong ibang tao, pati si Graham at mga kasama niya.

"Sasabihan ko na 'yong all-girls na org para matulungan ka! Alam ko may makeup artist do'n, e—malay mo malibre ang hair and makeup mo!" said Mari as he typed on his phone.

Head in the Sand (Erudite Series #3)Where stories live. Discover now