Wakas

3.6K 106 36
                                    

Hindi ako mapili. In fact, I often accepted what was handed to me—insults included. Kahit sino siguro na alam ang kuwento ng buhay ko, sasabihin ang kung ano-ano. At, hinahayaan ko na lang.

Tutal mahirap baguhin ang tingin ng mga tao sa 'yo, ano pa'ng saysay ng pagtatanggol sa sarili?

Simula nang magkaroon ako ng malay sa paligid, hindi ako nagreklamo kahit kailan. It was because I grew up thinking everything around me was normal, every broken glass, every shout, and every empty plate was something... every household experienced.

Pero mali ako.

Nang makapasok sa isang high school na puno ng matatalino at madidiskarte, napag-alaman kong normal ang buhay ko, pero hindi dapat.

Normal in the sense that it happened too often than people wanted it to.

Abnormal in the sense that, ideally, a kid should never have to experience being thrown a glass or shouted at for wanting to talk.

***

"Ikaw? Pa'no nagkakilala parents mo?" one of my classmates once asked during grade seven.

We were talking about how their parents met before getting married.

Natahimik ako at pinilit na maghanap ng sagot sa utak ko. Walang lumalabas. Wala naman talaga akong alam, e.

"'Di ko sure," palusot ko bago tinanong ang ibang kaklase.

Palagi akong tahimik tuwing pamilya ang pag-uusapan. Siguro tinadhana akong palaging isipin ang pamilya ko dahil pinaliligiran ako madalas ng mga taong masaya at buo ang pamilya. Ang malalapit kong kaibigan ay may mga kapatid na inaasar nila, ngunit maaasahan pa rin nila kapag kailangan. Tapos, mayro'n din akong mga kaklase na palaging present ang magulang tuwing recognition day o ano mang family event sa school.

Nakalulungkot sila pagmasdan. Parang pinakikita sa akin lalo ng mundo na... wala ako niyan... na malas ako.

Tuwing umuuwi ako, wala si Mama; si Kuya ay nasa labas din. Minsan, gusto kong tawagan si Kuya, pero alam kong busy siya sa trabaho niya.

Ang lungkot kasi ng araw-araw na mag-isa sa bahay.

Si Mama... hindi ko kailanman ginustong tawagan dahil pagagalitan lang ako no'n. Sinubukan ko noong bata pa ako na sabihin sa kaniyang kailangan ko siya dahil nagkasugat ako mula sa PE, pero sabi niya hugasahan ko lang daw at aayos na 'yon.

Umiyak ako no'ng ginamot ko ang sarili ko, lumang-lumang betadine ang nahanap ko sa isang cabinet sa kuwarto ni Mama. Iyon lang ang nagamit ko, wala ring gauze sa kahit saang parte ng bahay, e.

Pag-uwi ni Kuya, sabi niya dapat daw tinawagan ko siya para nakabili siya ng gamot pauwi. He bought us barbecue that night for dinner. And, suddenly, my tears dried up. Kuya was the only one who loved me, the only person who really cared.

Yet, I was wrong again.

Lara, a cousin of mine who had parents that disliked my family and me so much, was there. She was my best friend growing up, we became extremely close during high school. I didn't tell her much about what happened in the house, only the things I do on my own. She was a supportive cousin. May pagkapilya nga lang minsan kapag may gusto siyang ipagawa. Palagi siyang nagpapadala ng cake tuwing birthday ko. Palagi rin siyang bumibisita kapag summer.

Lara's parents were disapproving of my presence every time I came to Lara for her birthday. Pero ginagalang ko pa rin sila. The part of me that always absorbs rather than questions why I'm treated this way always wins.

But I changed. After being such a martyr, I became infuriated because the person I cherished the most got hurt.

Hinuli si Kuya ng pulis noong grade nine ako, pag-uwi ko, narinig ko na pinag-uusapan ng mga kapitbahay namin ang nangyari. Tinanong ko sila kung saang presinto dinala si Kuya, at pinuntahan ko siya.

Head in the Sand (Erudite Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon