Kapitulo 6

3.7K 89 21
                                    

Nakasakay ako nang makapara ako sa isang halos walang laman na jeep. Hindi ako nagpaalam o nagba-bye kay Graham nung umalis ako sa tabi niya dahil alam ko namang inis na siya sa 'kin. Bahala na siya. Hindi rin ako nagpasalamat. Matapos niya akong angasan at hilahin na parang bata, bakit ako magpapasalamat sa kaniya?

Kinalikot ko ang bag ko para maghanap ng bariya, pero may brasong biglang nagpakita sa harap ng mukha ko.

"Dalawa, Pedro Gil."

Pumikit ako ng isang beses bago tinignan ang may-ari ng braso.

Tumaas ang kilay niya sa 'kin bago umayos ng upo dahil inabot na nung driver ang bayad niya.

"Hindi ako maniyak," sabi niya habang tumitingin sa bintana ng jeep. "Hindi rin ako mang-aagaw."

"Anong hindi maniyak? The first time we saw each other, you looked at my butt!" I knew he couldn't understand what I said when I saw his forehead crease for the nth time tonight.

Garalgal na ba ang pagsasalita ko dahil sa alak?

"'Di ko tinitignan puwet mo, wala namang makikita, e." Nanlaki ang mga mata ko't napalingon ako sa kaniya. "May papel kasi sa puwet mo no'n," dagdag niya.

Inirapan ko siya at patuloy na naghanap ng bariya sa bag ko. "Binayaran na kita, 'di mo ba narinig sinabi ko kanina? Sabi ko-"

"Dalawa, Pedro Gil," sabat ko bago siya balingan saglit. "Babayaran kita," I continued to look through my bag.

"'Di na kailangan, humawak ka na lang, baka masubsob ka kapag tumigil 'yong jeep," aniya.

But I didn't listen, and since I was intoxicated, I couldn't hold on before the jeep stopped. Sumubsob nga ako sa upuan at napadapa ro'n.

I could feel the rise of a disgusting substance from my stomach to my throat. This was worse than mucus not being sneezed.

"Kasi sinabing humawak, e," I heard Graham's voice. I would've snapped back, but I was busy trying to stop my vomit from spitting out of my mouth.

Sinubukan akong hilahin ni Graham para maupo ng maayos, pero itinaas ko ang kamay ko para pahintuin siya. Sumunod naman siya.

I covered my mouth and swallowed the disgusting mix of food and beverages that would come from me. Pag-uwi na lang. Please. Please.

"Humawak ka," mariin na sabi ni Graham sa 'kin bago siya gumamit ng telepono. Sumunod na ako at nakapikit na nakahawak. "Hoy, 'wag kang matulog. Sinamahan na kita pauwi, tutulugan mo pa ako. 'Wag kang umidlip! Ayaw kitang buhatin!"

The moving vehicle I was in was affecting my stomach so much that I didn't have time to answer the mango beside me with sarcasm.

"Shut up," anas ko habang nilulunok ang suka ko. This was beyond disgusting, but I knew I'd have to clean my shit if I didn't swallow it now. And I had no energy for that.

Ilang minuto pa ang tinagal ng biyahe at kada hinto ng jeep, lunok ako nang lunok ng suka ko. Hindi ko na ulit tinignan si Graham dahil mabubuwisit lang ako sa mukha niyang masungit. Sesermonan pa ako, akala mo pangatlong kuya ko, e.

Hindi pala siya maniyak, huh? Baka palusot niya lang 'yong sinabi niya kanina. O baka... Ewan sa kaniya!

Pagtigil ng jeep sa NBI, bumaba na ako. I fixed my bag on my back before walking. Nilabas ko ang phone ko para tignan ang oras, pero may humablot na naman sa akin bago ko pa mabuksan ang phone ko.

What's with Graham and suddenly holding me?

"Mag-isa ka, gabing-gabi na, hindi ka dapat humihinto at nagse-cellphone," puna niya habang hinihila ako. "Sa'n mo ko dadalhin, hey!" binawi ko ang kamay ko.

Head in the Sand (Erudite Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon