10

569 33 4
                                    




CLYDEN POV'S:




After ni Lisa ipakilala ang mga kaibigan niya sa akin ay umupo narin kami sa wakas. Mabuti nalang at hindi na sila gaanong nag tanong tungkol sa buong pagkatao ko o pangalan ko. Well, binibigyan ko lang naman sila ng masasamang tingin kaya hindi na nila tinutuloy ang pagtatanong sa akin. Sabi nga nila, makuha ka sa isang tingin.




Habang nag-uusap sila Lisa at ng kaniyang mga kaibigan ay nag excuse muna ako para kumuha ng pagkain. Actually, alibi ko lamang iyon para umalis dahil naiirita ako sa mga taong tingin ng tingin sa akin lalo na 'yong Sadie na iyon. Kung makatingin kasi ang Sadie na iyon ay parang nang huhubad. Tsk, may fiance na nga lumalandi pa. Anong tingin niya sa akin? Easy to get. Mga babae talaga hindi nalang makutento sa isa. Napailing nalang ako sa mga naiisip ko.




Bago makarating doon sa buffet ay may dumaan sa akin na isang waitress na may dalang mga wine. Kumuha naman ako ng isa at ininom ito. 




"Taste good." sabi ko habang nilalasahan ang wine.




"Tss." sabi ng babaeng waitress at umalis na.




Hindi ko alam kung nabungol lang ako or what. Yung tono kasi ng boses n'ya ay parang si Veronique. Hay naku Clyden, gutom ka pa? tanong ko sa aking isipan. 


Hindi ko nalamang iyon pinansin at nag patuloy nalang ako sa buffet. Kumuha lang ako ng konti. Hindi naman ito para sa akin dahil para kay Lisa ito. Busog naman na ako kaya siguro okay na itong isang dessert.




"Here's your food." at ibinigay kay Lisa.




"Wow, thanks babe." nakangiti niyang sabi sabay yakap sa akin. Mabilis ko namang tinanggal ang mga braso niyang nakapulupot sa braso ko. 


"Tsk. Just eat." 


"Nice, guwapo na nga, gentleman pa. Ang galing mong pumili sis." saad ni Sadie.




"Of course, ako pa ba? Ako na yata ang pinaka masuwerte na babae sa balat ng earth."




"Ay, anyway gusto niyo ba ng wine?" tanong ni Sadie habang ako naman ay umiinom parin ng wine at panakaw ang tingin sa paligid. 




"Oh, sure!" sagot nila. Agad namang nag tawag si Sadie ng waitress. Nakita kong yung babae kanina 'yon yung kinuhaan ko ng wine. Naka mask din kasi ang mga waiter at waitress kaya hindi mo rin sila mamukhaan. 




Hindi ko alam kung anong hipnotismo ang mayroon sa babaeng waitress na ito. Hindi ko kasi maiwasang hindi titigan ito. Para bang may kung ano sa kan'ya o para bang pamilyar siya sa akin.






"Oh my gosh! What the---!" sigaw ni Sadie na s'yang nag pabalik sa akin sa reyalidad. Natapunan pala s'ya ng waitress sa damit. Anong nangyari?




"So-sorry po ma'am!" sabay kuha nito ng tissue at pinunasan ang damit nito pero tinabig lamang ni Sadie ang kamay nito.




"Sorry! Alam mo bang mas mahal pa sa buhay mo ang gown na ito! Gosh, bulag ka ba?!" sigaw ni Sadie samantalang ang waitress naman ay nakayuko lamang pero ang hindi ko inaasahan ay ang pag ngisi nito ng palihim.




"Sorry po talaga ma'am.. hindi ko po talaga sinasadya.. nadulas lamang po sa kamay---"




"Bobo ka talaga kaya mo natapunan ang gown ko! You b*tch!" sinampal ni Sadie ang waitress pero bago pa man tumama ang kamay niya sa mukha ng waitress ay biglang yumuko ito para damputin ang basag na baso. Kaya imbis na s'ya ang tamaan ay si Lisa ang natamaan.




The Military Captain Meet Reincarnated Empress Where stories live. Discover now