12

561 31 0
                                    


ELOISE POV's:





Knock! knock! knock!





"Baby, wake up! May pasok ka diba? Bumaba ka nalang okay? Naka-ready na ang breakfast." sabi ni mommy sa labas ng pintuan.



Hays, oo nga pala pasukan na naman. Psh! Lagi nalang ganito tuwing sasapit ang monday. Nakakatamad pumasok.



"Hmmm.. coming mom!" sigaw ko sabay bangon. Nag stretching pa muna ako bago bumaba sa kama. Dumiretso naman ako sa cr para maligo at gawin ang morning rituals.



After an hour ay tapos na ako sa lahat. Ang mag-ayos ng hitsura, complete uniform at ang bag. Pagkatapos no'n ay lumabas na ako mula sa aking kuwarto at bumaba na. Nasa third floor kasi ang kuwarto ko samantalang ang kuwarto naman nila mommy at tita ay nasa first floor. Ang guest room namin ay nasa second floor. Mas gusto daw nila mommy na nasa baba ang kuwarto nila para hindi na daw mag-akyat baba. Eh, may elevator naman. Anyway, may underground floor din ito para sa parking lot.





Ting! (tunog ng elevator)





Pagbukas palang ng elevator ay rinig na rinig ko na ang ingay mula sa living room. Kumunot naman ang noo ko dahil sa mga naririnig. Kailan pa kami nag karoon ng mga b'wisita? Sa pagkakaalam ko ay wala naman akong sinabihan kung saan ako nakatira maliban nalang sa mga ka gangmates ko at sa kay Clyden.





Pagdating ko sa living room ay nagulat ako sa mga nakita ko. As in gulat na gulat.





"Wuaaahhh! HEEEEEELLL!" sigaw nito sa akin sabay dinamba ako ng yakap.





"What the hell! Get off me!" hindi kasi ako makahinga. Shuta, papatayin ba ako nito? ngumuso naman s'ya sabay nag peace.





"Welcome back Hell."





"Hell, long time no see."





"Zary, I miss you." sabay yakap nito sa akin pero hindi gano'n kahigpit. Yinakap ko rin siya pabalik at bumitaw narin. Ngumiti naman s'ya sa akin sabay gulo sa buhok ko. Psh! Mukha ba akong aso? kaya sinamaan ko s'ya ng tingin pero tinawanan niya lang ako. Gag* 'to.





"Teka nga lang. Paano niyo na laman na ako ito?" taka kong tanong sa kanila. Umupo naman kami sa sofa para doon ipagpatuloy ang k'wentuhan o mas tamang sabihin na question and answer portion.





"Oh well, uhm.. sinabi sa amin nila Keshia ang mga nangyari."





"No'ng una nga eh hindi kami naniniwala kasi diba, reincarnation doesn't exist? sa libro lang naman 'yon nangyayari eh."





"Yeah, pero s'yempre mga ka-gangmates mo 'yon at imposible naman na lokohin kami ng mga 'yon.. kaya naniwala na agad kami na 'yon nga na reincarnate ka sa katawan ng isang estudyante pa lamang."



"S'yempre si Landon na ang nagsabi eh. You know, hindi madaling biruin o lokohin 'yon."





"At s'yempre kaming mga tapat at mga magaganda at guwapo mong kaibigan ay sobrang curious sa mga ganap sa buhay mo eh nag madali agad kami na pumunta dito."





"Tsaka gusto naming makita 'yong mukha ng nilipatan mo. Baka kasi eeww! hehehe"





"So ngayong nakita n'yo na ako. Puwede na kayong bumalik sa mga pinanggalingan niyo. Hindi ba kayo mga busy? Paano 'yong Organizations niyo?" seryoso kong sabi sa kanila sabay taas ng kilay.





The Military Captain Meet Reincarnated Empress Where stories live. Discover now