25

369 32 7
                                    

ELOISE POV'S:



Naku po. Bakit bigla akong kinabahan? Ano naman ngayon kung makita n'ya na magaling akong makipag laban? As if naman na we are in a real relationship na kailangan malaman kung ano ang ganap mo sa buhay araw-araw.


"Knight." Walang gana kong sabi. ( -__-)



"Paano mo nagawa 'yon?" Seryoso n'yang tanong.



"Ang alin?" Pa inosente kong sabi kunwari hindi ko alam ang tinutukoy n'ya.



"That.. that thing. I mean, how did you learn to fight?"



"Ahh... Sikretong malupit---"



"Veronique." Pagputol nito sa sasabihin ko. Seryoso nga ang Oppa niyo.



"Actually, when I was young my grandfather taught me how to fight because there's so many bad guys there." Pag ku-kuwento ko ng maikli. Need pa bang i-explain ng mahaba?



"Oh, I don't know that you and your grandfather are close to each other?"



Paktay! Oo nga pala. Hindi pala kami close ng pamilya ni Stella.



"Yeah." Mabilis na sagot ko. "Mas close kami ng Lolo ko kaysa Lola o pamilya ni mommy. Mabait kasi si Lolo kaya ayun maagang kinuha ni lord." Actually may ilang alala si Eloise mula sa Lolo niya noong bata pa s'ya. At sa tingin ko ay close talaga sila dahil base sa mga naalala ko sa panaginip ko which is alaala talaga ni Eloise ay lagi silang masayang nag ku-kuwentuhan sa isang magandang hardin at minsan nag lalaro pa sila. Hayst sana ol. Kasi naman yung Lolo ko puro training ang nasa isip kaya ayun tuloy wala akong mas'yadong childhood memories. Hindi man lang nasulit ang pagkabata.



"Kung gano'n... Simula ngayon kapag may nangyaring ganito ulit ay huwag kang mag dadalawang isip na tumawag sa akin." May pag aalala niyang sabi sa akin habang nakahawak ang dalawang kamay niya sa braso ko.



Napangiti naman ako ng wala sa oras. Hindi ko alam kung bakit. "Okay. Daddeh--- joke! Ito naman hindi mabiro hehehe." sabay peace sign.



Pagkatapos kong sabihin iyon ay niyakap niya ako.



Natigilan naman ako saglit dahil sa ginawa niya.

The Military Captain Meet Reincarnated Empress Where stories live. Discover now