11

584 34 0
                                    

Eloise POV's:




Ito ang nangyari bago ang mga kaganapan sa hotel....




"Empress, na-tract na namin kung saan nag tatago ngayon si Servitor." Sabi ni Suno (Gavin).




"That old bastard." Malamig kong sabi habang nakaupo dito sa pang isahang sofa. Naglilinis kasi ako ng mga armas ko.




Nandito pala kami ngayon sa may isa sa mga mansion ko. Actually, nasa gitna ito ng gubat kung saan walang nakakaalam. Mas'yado kasing mapanganib ang gubat na ito---noon.




Yes, noon pa. Dati kasi maraming mababangis na mga hayop ang naninirahan dito. Pero ngayon wala na dahil kinuha ko na silang lahat bilang taga bantay dito sa mansyon. Mga tigre, lion at lobo ang nandito.




Kung tatanungin niyo ako kung paano ko sila nahuli? Ang sagot lamang d'yan ay isa rin akong huntress. Bata pa lamang ako ay tinuruan na ako ni lolo kung paano mag hunt sa pinaka delikadong gubat.




Naalala ko pa noon ay takot na takot ako. Kahit ni isang kuneho ay hindi ko magawang patayin. Pero nung sinabi ni lolo na kung hindi ko sila papatayin ay sila ang papatay sa akin.




Wala akong nagawa noon kundi sundin ang utos ni lolo kahit labag sa kalooban ko nung una. Ang sabi ko nalang sa sarili ko ay kaya ko ito. Tiwala lang Hell. Ang isipin nalang natin ay isa silang malalaking ipis na lumilipad na pinaka ayoko sa balat ng lupa. Heck! Mas okay pa sa akin ang mga uuod or gagamba na mabalahibo kaysa ipis na lumilipad. Baka gusto niyang makatikim ng lumilipad na tsinelas.




At tsaka, tama naman si lolo kung hindi ko sila uunahan ay sila ang uuna sa akin. Ang gamit ko pa naman noon ay isang mahabang sibat lamang na may patalim sa mag kabilaang dulo at pana.




Anyway, about sa mga alaga ko ngayon sa mansyon ang masasabi ko lang ay well trained silang lahat. Kapag may na amoy silang kalaban ay susugurin  nila ito pero kung hindi ka kalaban ay tatahulan  ka lang nito lalo na at bago ka lang sa kan'yang paningin.





Inin-jection ko sila ng pang pakalma at pang pasunod like a robot. Ginawa ko ito noong nabubuhay pa ako bilang Empress not Eloise.





And that old bastard. Isa s'yang traydor sa aking organisasyon. Akala niya siguro na hindi ko alam ang mga pinag gagawa niya.




Pinagbigyan ko lamang siya. Akala ko hindi na mauulit pero naulit parin talaga at sumunod sunod na.




Si Servitor Icarias, s'ya ang humahawak sa trabaho ng pagkuha ng mga armas galing sa ibang bansa. Ang mga armas na iyon ay mga high-tech.




Kaya pala nung isang beses ay nag taka ako kung bakit kulang ang pinadalang armas. Hindi ko nalang pinansin 'yon dahil dalawa lang naman ang kulang. Pero nung mga sumunod na araw ay tumaas ang bilang ng kulang. Kaya nagtaka na ako ng lubusan.





FLASHBACKS of Empress bago s'ya mamatay. 1 week ago..




"Servitor! Bakit kulang ng limang armas ito!  Anong nangyari?" Sabi ko habang binibilang ulit ang mga ito baka kasi na mali lang ako.





"Empress, hindi ko po alam. Basta ang sabi ko sa kanila ay kukuha ka ng benteng armas. Baka po ay ang akala nila ay fifteen lang ang kukuhain niyo." Kumunot naman ang nuo ko dahil sa mga sinabi niya. Kumpleto kasi ang binayad ko tapos gano'n ang gagawin nila sa akin? Nag babayad ako ng maayos dito tapos ganun!





The Military Captain Meet Reincarnated Empress Where stories live. Discover now