13

461 40 0
                                    





CLYDEN POV'S:






"Tsk, ingay." Sabi ni Raleigh at sinamaan ng tingin ang dalawa ay este si Nick lang pala.






"Ano nga ulit yung sinabi mo Captain?" Tanong ni Grayson sabay inom ulit ng Iced Americano.






Bumuntong hinga muna ako bago nag salita ulit. "Can you help me guys? Hindi ko kasi alam kung paano yayain ang isang babae para maging girlfriend ko ng isang gabi lang." Sabay himas ko sa batok. Nahihiya talaga ako sa ganito.






"Pfft! Akala ko naman malaking problema na 'yan Captain." Natatawang saad ni Nick. "Alam mo Capt. madali lang 'yan. Kausapin mo ng maayos tapos sabihin mo ang mga dahilan mo kung bakit kailangan niyang magpanggap na girlfriend mo for a night."






"Ang kulet. Parang jowa challenge for a night lang ampeg hahaha--ehehehe" tinignan ko kasi ng masamang tingin si Kellan. Minsan talaga nagtataka ako kung paano ko sila naging kaibigan ni Nick. Parehas na abno.






"Tama si Nick Capt. Kausapin mo ng maayos ang babae at bigyan mo narin ng favorite niya. Bakit nga ba kailangan mo ng girlfriend Capt.? Eh diba may fiance ka na?" Woaah! For the first time. Ang haba ng sinabi ni Raleigh.






"Wooaaaahhh! Haneeepp! Ilang words din 'yon dude!" Manghang sabi ni Nick. Pumalakpak naman si Kellan. Parang nakakita lang ng magic. Psh! Mga sira.







"Tsk." Oh, balik na naman sa tipid na salita 'to.






"Ganun ba?" Napaisip naman ako kung susundin ko ang sinabi ni Raleigh. Mukhang okay naman s'ya. Napakamot na naman ako sa sintido ko. Wala naman talaga kasi akong alam dito. Puro g'yera at mission lang. Wala akong oras para mambabae.






"Ano okay na tayo? P'wede na umuwi Capt.?" Tanong ni Grayson.






"Hahaha hulaan ko. Inaantok ka na naman 'no? Hahahaha!" Tawa pa ni Nick at Kellan. Napatigil naman sila sa pag tawa ng biglang batuhin sila ng unan ni Grayson.






May mga unan kasi sa inuupuan naming sofa dito sa Coffee shop. May part kasi dito na sofa ang upuan at mayroon ding hindi. Tulad ng mga ordinary chairs na nakikita niyo sa mga coffee shops.






"O s'ya salamat sa mga payo n'yo. Sige na at umuwi na tayo."






"Salamat sa libre Captain!" Sabay saludo nilang lahat sa akin at ngumiti ng malaki na para bang nakakaloko, pero si Nick at Kellan lang talaga 'yon dahil ang dalawa ay normal lang ang hitsura ay I mean wala namang nag bago.






"Libre?" Tanong ko sa sarili ko.






Tapos sabay sabay naman silang nag si-alisan. Samantalang ako ay nganga dahil hindi parin ako nakaget-over sa nangyari. Like what the fvck?! Anong meron?






"Sir, ito na po ang bill niyo." Sabi sa akin ng isa sa mga cafe server dito. Napalingon naman ako sabay kunot noo.





Tinignan ko kasi ang resibong ibinigay n'ya sa akin at nakitang mahaba ito at sobrang laki ng babayaran ko. Eh isang kape lang naman ang inorder ko, kaya paano naging malaki---napapisil naman ako sa ilong ko ng 'de oras ng mapagtanto ang katarantaduhang ginawa ng mga kasamahan ko.






The Military Captain Meet Reincarnated Empress Where stories live. Discover now