23

322 19 1
                                    

LANDON POV'S:


Ako nga pala si Landon King ang kanang kamay ni Empress sa Gangster world.  Rank two kasi ang rank 1 namin ay si Empress. And by the way ang pangalan ko sa gangster world ay Deathrow at ako ang leader ng Dragon Spades baka nakalimutan niyo na. Hindi sa pag mamayabang ay isa ako sa pinaka magaling na hacker sa buong mundo pero s'yempre ang pinakamagaling talaga ay si Empress.

Paano ba kami nag kakilala ni Empress? S'yempre alam kong naikuwento niya na ito na nag kakilala kaming lima noong high school ay dahil sa pagiging mahina naming apat at siya ang tumulong sa amin upang maging malakas.

Si Gavin matagal ko ng kaibigan since we are five years old. Yung dalawang babae naman ay nakilala lang namin ni Gavin nung pinakilala sila sa amin ni Empress. So, mas nauna pa nilang nakilala si Empress kaysa sa amin.



Noong high school kami ni Gavin ay lagi kaming nadadawit sa gulo. Bakit? Dahil isa kaming matalino. Alam nila na magaling kami mag hack kaya naman halos karamihan sa mga lalaki at babae nag papa hack sa amin ng kahit na ano. Alam namin na illegal 'yon pero yung trabaho namin ni Gavin ay legal. Tsaka pag alam naming nasa tama ang pinapagawa sa amin ay yun lang ang tinutulungan namin. Katulad nalang yung nabura ang mga importanteng files sa cellphone or laptop mga gano'n.

Pero kapag mga illegal na pinapatrabaho katulad nalang ang pag himasok ng personal information sa isang tao ay hindi kami pumapayag. Kaya naman dahil sa hindi namin pagpayag ni Gavin ay inaabangan kami ng mga iyon sa kanto ng school kung saan wala gaanong dumadaan.

At sakto naman na dumaan doon si Empress. Noong makita ko siya habang binubogbog kami ng mga lalaking inutusan lang ng mga ka schoolmates namin ay nakatingin lang s'ya sa amin na parang bored na bored as in wala kang makikitang ibang emosyon.


Habang nakatingin ako sa kan'ya ay hindi man lang s'ya natatakot na baka makita s'ya ng mga lalaki at imbis na tumakbo ay nag lakad pa s'ya papunta sa amin. Nasa daanan kasi kami no'n sa isang iskinita na shortcut.


"Tabi." Malamig na one word lang 'yon pero agad niyang napahinto ang mga lalaking nambubogbog sa amin na kahit kami ni Gavin ay biglang nanayo ang mga balahibo.

Naka school uniform s'ya at kaparehas lang namin na sachool. Humarap naman ang mga lalaki sa kan'ya na nasa anim ang bilang.

"Witwew ang kinis ng legs mas makinis pa sa ulo ni gardo!" Sabay tawanan nila.

"G*go! Miss tama ka ng dinaan hehe sakto at gutom na kami. Gusto naming makatikim ng labanos." Sabay tawanan nila ulit. Maputi kasi ang babae at hanggang kilk-kili ang haba ng buhok.


"Mi-miss. Tumakas... kana..." Nanghihinang sabi ko sa kan'ya habang nakaupo at nakayuko dahil hawak ko ang aking t'yan na masakit kasi tinadyakan nila eh.

"Tss." Sabi nung babae. Ang tigas ng ulo. Hindi ba s'ya natatakot sa kanila? Ang lalaki ng mga katawan nito parang mga barako samantalang s'ya naman ay mapayat ay hindi pala sexy.


"Mga pre ako na mauuna." Sabi nung gardo at nag lakad na ito papunta sa babae.


"MISS!" Sabay na sigaw namin ni Gavin. S'ya nga pala ang mas napuruhan kasi imbis na ako ang matatamaan ng tubo ay s'ya ang tinamaan dahil sinalag niya ito para sa akin. Grabeh dude I lav yow!

"Ang ayaw ko sa lahat ang hinahawakan ako." Seryoso nitong sabi nung bigla s'yang hinawakan sa kanang kamay.

"Paano ba 'yan nahawakan na kit---aaccckk!" At bigla itong natumba at nawalan ng malay. Nanlaki naman ang mga mata namin dahil sa gulat.


The Military Captain Meet Reincarnated Empress Where stories live. Discover now