017: Not my POV, Nie's

1.6K 85 2
                                    

I Died and was Transferred to Another World Only to Search for My Lost Memories... Maybe? -017

## 017 - (Nie's POV)

Current Location : Milcot Inn(1F), Village of Beginnings
World Time: 7:32pm, 28th Day of the 4th Month, 258th year from the Human Calendar.

(Sfx: Tok tok tok)

Tatlong katok lang ay pinagbuksan na ako ni Miss Lucinda. May pagkabigla sa itsura niya ngunit hindi na ito nagtanong at pinatuloy ako sa kanyang silid sa loob ng Milcot Inn.

Sino nga ba namang hindi magugulat kung sakaling kumatok ang isang prinsesa? Mapupuno ka ng pagtataka kung anong ginagawa niya doon lalo na't nakasuot ako ng hooded robe para matakpan ang features ko, pang-iwas sa paningin ng mga tao.

Well I have my reasons to come here. Naunahan ko lang ang sulat na ipinadala ko kay Miss Lucinda, stating that I'll come here in this Village.

Si Miss Lucinda ay dating Magic Instructor sa Akademya ng Niedze. Isa siya sa mga naging guro ko pagdating sa Magic. Kahit na ang ibang guro ay pinupuri ako dahil natural ang talent ko pagdating sa Magic ay si Miss Lucinda lang ang naging mahigpit sa akin. Every single mistakes I made ay kanyang pinopoint-out. May time pa nga na sinubukan ko siyang kalabanin on a Magic Mock Battle ngunit inilampaso niya lang ako using the element I excel at. That was the time I came to respect her. After that ay naging malapit kami at nagbibigay na din siya ng advice for me to act like a girl.

Yes, ang ugali ko kasi noon ay laging taas-noo, dahil ipinanganak ako bilang isang Prinsesa, I always look down on those weaker than me even boys older than me with contempt. Palagi rin akong nagpapasikat to get everyone to shower me with praises. Being praised feels good, yan ang iniisip ko noon. Well nasa isip ko pa din yan ngunit hindi ko na ipinipilit sa iba na purihin ako in everything I do, if they'll praise me I'll be happy. Well most of the time ay ako nalang ang pumupuri sa sarili ko, whenever I think I really did a good job.

She quit her profession nang sumakabilang-buhay ang kanyang mga magulang na noo'y nag-mamanage ng Milcot Inn. Dahil sa gusto niyang ipagpatuloy ang nasimulan ng kanyang mga magulang ay nagpasya siyang bumalik dito.

"So, Anong ginagawa mo rito Nie? Does his Highness know?" (Lucinda)

Yan ang panimulang bungad sa akin ni Miss Lucinda ng maupo siya. Ako naman ay sinenyasan niya na maupo rin sa bakanteng silya. Dahil sa skill kong 'Probe' ay nakikita ko ang level at Job niya.
Level 6 Businesswoman? Ang inaasahan kong makita ay ang kanyang Job:Sorceress at Job:Magician. Ang huli kong kita sa dalawang yun ay Lv. 26 ang Job:Magician samantalang Lv. 8 ang Job:Sorceress. I wonder kung ano ng level niya ngayon.

"I left a letter to father's bedchambers. Alam kong maiintindihan niya kung bakit ako umalis." (Nie)

She shrugged upon hearing my answer.

"And.. I have a vision kaya ako nandito ngayon." (Nie)

"Vision? Ahh. Your clairvoyance. So, anong ipinakita sayo?" (Lucinda)

Inabutan niya ako ng tsaa kasabay ng pagtatanong niya. Agad ko naman tinanggap yun. I missed her tea, naalala ko pa na paborito ko ito dati.

"He'll appear here." (Nie)

Sumagot ako bago higupin ang tsaa, hmm.. This aroma feels so nostalgic. Walang ibang kayang gumaya sa tsaa ni Miss Lucinda. Matagal ko ng gustong bisitahin siya ngunit hindi ako pinapayagan due to me being the heir to my father's throne at isa pa, there's a threat from the neighboring kingdom, Vildeheim, a demon race Kingdom.

Otherworlder: The Man in Search for his Lost MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon