033: War Prelude

1.5K 62 4
                                    

#033

The state of the village is...

Worser than we expected.

Marami sa Ents at Elves ang napatay sa ginawang pag-atake ng mga Lizardmen mula sa Droaze.

Nang makapasok kami ay tumambad sa amin ang maiitim na usok mula sa mga nasunog na Ent, puno at mga kabahayan.

Dahil rin sa patuloy na paglakas ng pagpatak ng ulan ay tila wala ka ng makita sa paligid.

This rain came at a right time. Mas malala pa siguro ang kahahantungan ng Village kung hindi ito dumating.

Habang patungo kami sa gitna ng Village kung nasaan ang bahay ni Village Prophet, tumulong kami ni Nie sa pag-heal sa ilang mga sugatan na nadadaanan namin.

May ibang nakakilala kay F'lanche na nagbigay galang dito. Nandoon man ang galak na makitang buhay ang Prinsesa nila, mas nanaig ang pagdadalamhati nila sa sinapit ng mga malalapit sa kanilang buhay.

Nagkalat sa paligid ang bangkay ng iba't ibang monsters, ilang elf at ilan sa mga Lizardmen. Mukhang sinabayan nila ang regular na pag-atake ng mga monsters sa Village kaya hindi agad nakapaghanda ang mga nandito.

Narating namin ang tirahan ni Village Prophet, tulad ng ibang puno ay bakas doon ang pinsalang natamo mula sa apoy ng mga Lizardmen.

Sa labas nito ay ilang sugatan na Elf na ginagamot ng iilan na may Job:Healer. Having that Job Class ay may bonus sa amount na kaya nilang I-heal kaysa sa mga normal na Healing Magic lang. Basically they're like the Doctors of this world. Kumbaga ang mga Healing Magic tulad ng 'Healing Water' ko at 'Healing Wind' ni Nie ay mga first aid lang kumpara sa Heal ng mga may Job:Healer.

Sinalubong kami sa bukana ng hagdan paakyat sa kinaroroonan ng pinakatirahan ng Village Prophet ng dalawa sa Village Guard na tauhan ni Erthos.

Kita sa mukha nila ang pagkasurpresa at galak sa pagbabalik ng pinuno nila, at mas lalo silang nasurpresa at tila napaatras pa nang makita ang 10 taon ng nawawalang Prinsesa.

Yumuko sila bilang pagbibigay galang dito at matapos ang ilang palitan ng salita ay hinayaan na kaming umakyat.

Masyadong occupied ang isip nila sa naganap na pag-atake kaya kahit ang fact na nakalabas kami from that Tower ay hindi sumagi sa isip nila.

"N-nagbalik kayo!!" naisigaw ni Village Prophet, Y'grail nang bumukas ang pinto na pinasukan namin nung unang punta namin dito. Kagaya ng sa dalawa kanina ay parehong reaksyon din ang ipinakita niya subalit agad ring nagbago.

"Mahal na Prinsesa, nagagalak ako na makita ulit kayong buhay subalit gustuhin ko mang ipagdiwang ito ay hindi ko magagawa..."

Medyo garalgal at hinahapo ang boses niya, ang suot niya rin ngayon ay may bakas pa ng naganap na laban sa labas. Pati ata siya ay napilitan rin lumaban against those Lizardmen.

"I don't mind Village Prophet, but maaari niyo bang sabihin ang nangyari? Why did they attacked?" tanong ni Lan, medyo nag-iba rin ang aura niya  parang yung nangyari kay Nie noon nang kaharap niya ang sumasaklolong si General.

Hindi na ako sasali sa usapan, hindi naman kami residente ng Village na 'to at wala akong obligasyon na tulungan sila. Sapat na yung pag-heal namin ni Nie sa nadaanan namin patungo rito. Sinabihan ko rin naman si Erthos at F'lanche na itago ang identity ko bilang isang Otherworlder at may Job:Hero.

Alam ko rin naman na, they're not that weak na agad agad ay hihingi ng tulong sakin. This might just be a problem of their race. Adventurer lang kami ni Nie kaya makikinig lang ako. Kung i-ha-hire kami as a Mercenary Adventurer sa pamamagitan ng isang request mula sa Adventurer's Guild, syempre ibang usapan na yun.

Otherworlder: The Man in Search for his Lost MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon