036: Monsters

1.6K 81 5
                                    

##036

Minsan sumasagi rin sa isip ko...

Ayos lang ba na pumatay ako sa mundong 'to?

Sino ang nagbigay ng permiso sa akin to take another living being's life?

Mahigit isang linggo pa lamang ako sa mundong 'to ngunit hindi ko na mabilang ang napaslang ko sa mga naninirahan sa mundong ito.

--------------

Current Location: City of Renne, F'lenora Territory
World Time: 9:54pm, 16th Day of the 5th Month, 258th Year from the Human Calendar

Sa di kalayuan malapit sa kasalukuyang nasusunog na puno sa gitna ng siyudad ng Renne ay nagaganap ang labanan ng 2 grupo. Well, that's our group of 4 at ang 4 mula sa Droaze na lumabas mula sa parang portal.

"Kuk... Hindi ko pa nakakalimutan ang ginawa niyo! Ipaghihiganti ko sila ngayon!" anas ni Dorlanth habang patuloy kaming nagpapalitan ng atake.

Ilang segundo na ang lumipas nang magsimula ang tunggalian namin. This guy went straight to me. Yung Chamelia na may katana ay dumiretso kay Nie. Ang buwaya naman ay kay Erthos at ang ahas ay kay Lan. I commend that snake, dahil naiiwasan niya ang mga palaso ni Lan na hindi ko pa nakitang nagmintis.

"Heh... Hindi mo ba alam, ang paghihiganti ay walang mabuting idinudulot? Ikaw na rin ang may sabi, this is a war so normal lang na mamatay sila diba?" iniwan ko ang mga salitang yan nang magkaroon ng kaunting distansya sa amin.
Gamit niya pa rin ang Chain and Sickle niya na habang tumatagal ay nakakainis tignan. Masyadong magalaw e.

"Manahimik ka! Basta sinabi kong ipaghihiganti ko sila!" kasabay ng pagtatapos ng pagsasalita niya ay ibinato niya ulit ang bladed part ng kanyang sandata. Umaapoy yun dahil sa skill niya ngunit dahil ilang beses ko nang nakita yun ay madali ko nalang yun naiilagan.

Kapag sinalo mo kasi yun gamit ang sandata mo ay siguradong pupulupot yun kasabay naman ng paghatak niya upang ma-disarm ako. Well, mataas naman na ang Str ko kaya siguro ay malalabanan ko siya kung sa hilahan lang naman.

Sa pag-ilag ko ay kasabay ng pag-abante ko tungo sa kanya. Ganun din ang ginawa niya kahit na hindi pa bumabalik ang ibinato niyang Sickle. He's spinning the weighted end at pagkatapos ay ibinato yun sa papalapit na ako.

Wala akong oras sa pag-iwas kaya itinaas ko ang Sword of Aquinos upang i-deflect yun at kagaya ng inaasahan niya, pumulupot sa espada ko ang kadena at mula sa likod ko ay bumalik ang Sickle niya.

...!

Hindi ko lubusang naiwasan ang pabalik na Sickle, nadaplisan ako nun sa kaliwang balikat ngunit dahil sa medyo makapal kong Leather Tunic, idagdag pa ang shoulder plates na inilagay ng nag-repair nito back in Village of Beginnings, ay nasaktan lang ako at hindi nasugatan, medyo napaso rin ako sa apoy nun.

Narinig ko ang pagtunog ng mahaba niyang dila, normal para sa isang Scale Race, dahil walang epekto ang naging atake niya.

Sinusubukan na niyang luwagan ang nakapulupot na kadena but I deemed it necessary na maiwan yun. I'll use it to hurt him. Gamit ang buong pwersa, sa tulong ng 300+ Str, hinatak ko siya pagkatapos ay iniangat sa ere at agad na sumunod ang paghampas sa katawan niya sa sahig mula sa likuran ko.
His HP dropped from 100 to 74% from that.

Heh. Hindi niya talaga binitawan ang armas niya. He's really a warrior.

"Kukk.. Talagang iniinis mo ako ha! Makikita mo ngayon ang tunay na lakas ng isang Fire Warrior!" pinakawalan niya ang salitang yan nang makatayo siya habang umuubo ng dugo.
Then...
"Fire Lord Arts: Fiery Arms!"

Otherworlder: The Man in Search for his Lost MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon