023: First Encounters

1.8K 94 3
                                    

I Died and was Transferred to Another World Only to Search for My Lost Memories... Maybe? -023

##023

Current Location: Forest of Spirits, Dzejia Empire Territory
World Time: 11:28am, 6th Day of the 5th Month, 258th Year from the Human Calendar

Heto na kami ngayon tinatahak ang daan papuntang Mapleburg. Base sa nakalap kong impormasyon tungkol dun, nakapwesto yun malapit sa gitna ng Forest of Spirits. Dahil malaki ang kagubatang ito, ang kalahati nito ay sakop ng Dzejia Empire at ang natirang kalahati ay pinaghatian ng Elven Kingdom, F'lenora, at Dwarven Kingdom, Vharksmitst.

Kahit na kagubatan ito ay may mga path para sa mga maglalakbay upang hindi sila maligaw sa makapal na kagubatang ito.

Tinawag itong Forest of Spirits dahil nga sa mga ispiritung naninirahan dito. Well hindi sila yung multo na pinaniniwalaang ispiritu ng namatay. They're elemental spirits. Hindi sila nakikita kapag may araw pa subalit pagsapit ng gabi ay mamamangha ka sa ganda nila. They're illuminating the dark night with their different colors.

Mahigit 30 minuto na ang lumipas mula nang lumabas kami ng Village, kung titingin ako sa likod ay hindi ko na tanaw ang pader nun.
Ang tanging matatanaw nalang ay ang kapal ng kagubatang ito.
Tama nga si Nie, napakakomportable ng Horslime na toh, hindi siya maalog tulad ng ibang sasakyan dahil hindi siya tumatakbo at hindi ginagamitan ng gulong. He's crawling at the speed of 60km/h. Sakay nito ay makakarating daw kami sa Mapleburg in less than a day unless may mga humarang sa daraanan namin...

...!

Like them...

Nasabi ko na may mga monster sa labas ng bawat village and these guys are one of them.
They look like an ordinary bee pero kasing-laki sila ng tao, ang nakausling panusok nila ay may tila likidong tumatagas mula roon.

"Predator Bees, dahil wala silang makuhang Honey sa lugar na toh, they started preying on people and other creatures. Kapag tinamaan ka ng sting nila ay 2 araw kang paralyze sa lakas ng potency nun. Stay alert Otherworlder." (Nie)

Heh. Honey? Meron pala silang honey dito. Binuksan ko ang map para tignan kung ilan silang nasa paligid pero nagulat ako ng mapuno ng Yellow Dots ang mapa na halos matabunan na ang blue, green at red dots. Well, yung mga spirit ang lahat ng yellow dots na yun kaya tinanggal ko muna sa checklist ang Yellow Dots. Pwedeng i-uncheck ang makikita sa mapa eh.

Pagkatapos nun ay nawala na nga ang yellow dots at makikita na ang kabuuan ng mapa.

May 6 na Predator Bees na nasa harapan at wala ng iba na malapit. Varied ang levels ng mga toh, ang pinakamalakas ay ang nasa unahan na Level 10, dalawa ang Level 8 at ang tatlo pa ay Level 4, 5 at 6. Kung tama pa ang pagkakaalala ko tungkol sa mga Bee, this guys, no, female bees ang mga toh na kilala din bilang. Workers. Ang mga male bees kasi o Drones ay tanging pakikipag-mate lang sa Queen ang role nila. Kung nagpakita sila sa daan na ito ibig sabihin malapit lang ang Beehive kung nasaan ang buong colony nila. We better get out of this place soon.

"Princess, may weakness ba sila? Para madali natin silang mapatay at baka maoverrun pa tayo kung magtatagal tayo sa lugar na toh." (Me)

Tinanong ko siya since she's a native of this world, kaya lang highborn siya. Malamang first time niya lang din maka-encounter nito.

"Ahh uhmm. Base sa nabasa ko tungkol sa kanila.. Uhm.. We should take out their Leader first. It was said na lagi siyang nasa front. And they're weak against Fire Element." (Nie)

As I thought, first time nga lang niya maka-encounter nito.

"The one in the front? Sige I'll rush in, keep the others occupied Princess." (Me)

Otherworlder: The Man in Search for his Lost MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon