037: Airship

1.4K 65 7
                                    

##037

Mas nakakatakot pala kung tunay na nabubuhay ang isang Diyos.
Kahit anong sabihin niya ay pinaniniwalaan ng mga sumasamba sa kanya.

Tulad nalang ng nangyayari sa mundong 'to.
A God urged his believers to attack another nation.
At dahil nga mataas ang pananampalataya nila, walang tanong-tanong nilang sinunod ito.

Hindi ba mas mabuti kung manahimik nalang sila kaysa ipahamak nila ang buhay ng mga naniniwala sa kanila?
---------------------------------

Current Location: City of Renne, F'lenora Territory
World Time: 10:38 pm, 16th Day of the 5th Month, 258th Year from the Human Calendar

Tulad ng sinabi ni City Prophet, nang makarating kami sa City Gate na nasa South ng Renne kung saan kami pumasok kanina, ang kasalukuyang nakasaradong Gate ay unti-unti nang nagbubukas dahil sa nawalan na ng bantay at tanging mga Chamelia nalang ang nandoon. May ibang Elf na bumababa mula sa Wall at may iba ring paparating mula sa loob ng City, ang iba ay residente at ang natitira ay mga Adventurer. Talagang mapaghihiwalay mo ang mga Adventurer kaysa sa mga normal na sundalo, assorted kasi ang suot ng mga Adventurer samantalang ang mga sundalo ay may magkakaparehong armor.

Well, kahit na bumaba sila ay hindi nila aabutan yun dahil sa oras na kakailanganin nila upang mapunan ang distansya mula sa taas ng pitong metrong pader. Ganun din ang ibang paparating mula sa loob.

Swerte naman sila dahil kami ang pinakamalapit. I knocked them out gamit ang Accelerated Time Magic kaya muling nailapat ang Gate. Overpowered talaga ang magic na 'to, kung ginamit ko siguro 'to against Dorlanth ay baka hindi na siya umabot sa pagrelease niya ng Fire Lord Arts, ngunit kung ganun nga hindi ko rin siya matatanong tungkol sa kung bakit nila sinalakay ang F'lenora gayong alam nila na kasapi ito sa isang malaking Alyansa.

Anong iniisip nila at sinunod nila ang Demon Guy na yun? Hindi ba sila natatakot sa lakas ng Alyansa ng tatlo? Hmm.. maaaring sinabi nun na occupied ang Dzejia sa Vildeheim at maganda ang relasyon ng Vharksmitst sa Droaze. Subalit isa iyong kasunduan, ang bansa na di tutupad dun ay malabo ng makakuha pa ng tiwala mula sa ibang bansa. Kung hindi agad mareresolba 'to, the Principality of Droaze might cease to exist.

Hindi ko man alam ang lakas ng militar ng bawat bansa, kapag lumala pa ang sitwasyong 'to at nagpadala na ng tulong ang kaalyansa ng F'lenora, malaki ang tsansang matalo ang Droaze.
Somehow.. sana matauhan ang namumuno sa Droaze, trusting what a Demon said, kahit na totoo o hindi na galing nga sa Diyos nila ang utos, hindi ba nakapagtataka kung bakit isang Demon Race ang nagpahayag nun? Bakit hindi nila napapansin yun at tila bulag lang na sinusunod ang inutos sa kanila? Unless naghahanap lang sila talaga ng rason upang atakihin ang F'lenora.

May isang bagay pang gumugulo sa isip ko. According to Lan, tulad ng Mapleburg nasa loob pa ng F'lenora ang Renne, so paanong nakarating agad dito ang mga 'to ng ganito kabilis. Marami pa muna silang madadaanang bayan bago makarating dito. Hindi kaya...

Portal tulad ng ginamit nila Dorlanth?
No.. Malabo, kung may ganun siyang magic o skill, hindi ba dapat sa loob na mismo ng Renne sila lumabas? Iba yung ginamit nila Dorlanth at tiyak na mababa lang ang kapasidad nun kaya apat lang silang lumabas mula doon. Still... sending those 4 kahit na aware na sila sa lakas namin through Dorlanth, anong iniisip ng Demon Guy o kung sinumang namumuno sa pag-atakeng 'to

May isa pang posibilidad... dahil wala pa akong nakikitang ganun dito ay hindi siya pumapasok sa isip ko...

Ngunit posibleng nag-eexist nga ang mga Flying Vehicles dito.

--------------------------
Nie's POV

"Nie, mayroon ba kayong mga sasakyang panghimpapawid dito?" tanong ni Dyrem sa akin nang medyo humupa na ang paglabas ng Scales na umaatake sa amin.

Otherworlder: The Man in Search for his Lost MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon