025: 0% Survival Rate?

1.6K 84 10
                                    

I Died and was Transferred to Another World Only to Search for My Lost Memories... Maybe? -025

##025

We were led to a house inside a Giant Tree sa gitna ng Village.  Hindi katulad ng ibang bahay na living tree ang kinalalagyan, isa lang itong normal na puno. With it's entrance at its roots ay pinatuloy kami kasunod ni Kapitan.

You have entered a new zone.
Village Prophet's House.

Ilang steps din ang inakyat namin upang makarating sa kinaroroonan ng Village Prophet. Well Prophet ang tawag sa mga pinuno ng Village at Cities ng F'lenora, High Prophet naman sa parang hari nila. Tinawag silang prophet kasi nga ay nakakausap nila ang God nila then they're relaying it to the mass.

Active ang Diyos nila di katulad ng sa Human Race na once in a while lang magparamdam. May chance kaya na kausapin niya rin ako? Hmm.

Nakarating kami before a huge double door, sa surface nun ay mga carvings na di ko alam ang relevance.

"Sa likod ng pintuang ito ay ang Propeta, don't do anything unnecessary." (Erthos)

Tumango nalang kami at di na nagsalita. Well pati si Nie ay kataka-takang di nagsasalita, is she immersed at the Elven Culture? Malamang ay pareho kaming nakakaranas ng first experiences ngayon, prinsesa siya eh kaya marami ring bagay ang hindi pa niya nararanasan.

A few seconds later ay kusang bumukas ang double door mula sa loob. Wala namang pinagbago sa kilos ni Kapitan kaya siguro ganito talaga ang procedure dito, they'll wait in front of the door at kusa ng bubukas yun a moment later. Hindi kaya may camera sa pintuan na yun na nakikita ang mga nasa labas?

Ang tumambad sa mata namin ng magbukas ang pinto ay isang malaking kwarto, mayroong long table sa gitna nito na napapalibutan din ng mga upuan. Abstract ang mga design ng mga furniture dito, hindi ko maintindihan kung anung ibig sabihin nila but, this kind of furnitures isn't out of place sa lugar na toh.

Sa kabilang dulo ng long table ay may isang elf na lalaki. Is he the Prophet? Mahaba ang blonde na buhok niya, typical sa isang elf, na nakahawi ang bangs upang di matakpan ang mukha niya, he have blue eyes, another typical elven feature. Kung sa malayo ay parang normal na Elf lang siya but he's emitting a not so ordinary aura. Medyo may pagka-cool at commanding ang presence niya.

Y'grail, son of Y'gral [Mapleburg Prophet] [Neutral]
Lv. 15 Prophet

Whoa. So Job Class din pala ang Prophet? Anu kayang nagagawa nun? Hmm. Kung kokolektahin ko siguro lahat ng Job Class sa mundong toh ay baka umabot na sa langit kapag inilabas ko ang status window.

The prophet gestured to us na maupo na sa other end of the long table, si Kapitan naman ay muli nang lumabas at isinara ang malaking double door.

Base sa obserbasyon ko, walang surname ang mga Elf. Pangalan lang nila pagkatapos ay ang pangalan ng ama nila para siguro hindi magkalituhan kung sakaling magkapangalan ang dalawang Elf.

Naupo na kami ni Nie, medyo malapad ang long table kaya tatlo ang upuan doon sa itinuro niyang kabilang side. Mahaba ang table kaya hindi masyado maaninag ang expression ng makakausap namin, ganun din siguro siya.

"Welcome to both you. I am called Y'grail. This Village's Prophet." (Y'grail)

Panimula niya, medyo matanda na ang boses niya siguro he's already at the second half of his lifespan.

"Dyrem, Red Plate" (Me)

Ganyan ang naging sagot ko dahil yan ang sinabi ni Kapitan kanina, we just have to state our Adventurer Name at plate rank.

Otherworlder: The Man in Search for his Lost MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon