032: On Fire

1.6K 79 4
                                    

A/N: Plano ko sanang maging POV ni Nie 'to. Pero talagang nahihirapan ako. So it ends as a narration. Sorry.

Baka matapos din itong buong story with only Dyrem's POV.

#032

"His name was Ashened de Roix." Panimula niya. Magkatabi pa rin kami at ako ay matamang nakikinig lang.

Teka... was? Bakit past tense?

"He's an adopted son ng noon ay kanang kamay ng Emperor o mas kilala bilang Chief Counselor, Deivan de Roix."

"Ipinakilala siya sakin back when I was still 8 years old. Noong panahon na yun, I still haven't met Miss Lucinda kaya mababa pa ang tingin ko sa mga tao beneath my position. Malaki pa ang ulo ko because of the fact that I am called a genius in magic at balang araw ay mapapasaakin ang trono ng Emperor which is my father, Rick Maledorn Von Briar Sitro Dzej."

Oh. So she's been reformed by Miss Lucinda?
Yun pala ang pangalan ng Emperor? Kung anong ikinaikli ng pangalan ni Nie, ganun naman kahaba ang sa tatay niya. Pfft.

"Geez. Why are you giggling? Seryoso akong nagkukwento Dyrem, stay silent for a moment."

Well.. puno nga ng seriousness ang mukha niya kaya nag-comply ako at tumigil na sa paghagikgik kasabay ng pag-alis ng tingin ko sa kanya. She's bringing out a lot of courage sa pagkukwento nito sakin. Pareho na kaming nakatitig sa mabituing kalangitan at sa kinang ng mga Elemental Spirits na kitang-kita mula sa kinauupuan namin ngayon.

"Good. Uhmm.. then dahil daw wala akong kaibigan na kaedad ko noon, wala kasing tumatagal sa ugali kong mapagmaliit, Ashened will stand in as a friend at bilang isang Kuya. 3 years ang tanda niya sakin e."

"At syempre, I refused by saying lots of bad things about him. Ayokong I-acknowledge ang isang tulad niya. At nasa isip ko rin na hindi ko kailangan ng kaibigan for I will be the Empress. Lahat ay nasa ilalim ko lang. Pero makulit siya at nanatili sa tabi ko kahit na hindi ko siya pinapansin. And as time goes by, well, hindi ko rin napigilang hindi siya pansinin."

Oh. May mas stubborn pa pala sa kanya? Hmm. May possibility din na masunurin lang talaga sa utos yun.

"Hindi pa rin naman kami nag-uusap but somehow, I started noticing his presence. The biggest factor is, nang malaman kong mataas ang level niya sa Job:Swordsman. Kahit na 11 years old palang siya ay Lv. 17 na ang Job:Swordsman niya. He's already joining a Swordsmanship Tournament at kadalasan ay siya ang nananalo. "

"Matagal ko ng gustong matuto ng Sword Skills at makuha ang Job:Swordsman subalit hindi naman ako pinapayagan ng aking ama na pag-aralan yun at mag-focus nalang daw on polishing my Job:Magician. Kaya bilang kapalit ng pagpansin ko sa kanya ay tuturuan niya ako in secret."

At yun ang simula ng pagiging close nila? Teka... ang simple naman ata? Wala bang conflict na nangyari?

Nilingon ko siya at nakita ang lungkot na nagrereflect mula sa mga mata niya, she's really forcing herself remembering those times eh? Ang nasa tabi ko ngayon ay malayong-malayo sa nakilala kong Nie sa Village of Beginnings. Siguradong may nangyari doon kaya siya nagkakaganito ngayon, she bottled up her emotions para magmukhang malakas sa harap ng iba.

"At first ay matigas pa rin ang pakikitungo ko sa kanya, but eventually I started to loosen up. To the point na hinahangaan ko na siya. Tinulungan niya akong itago ang Sword Skills at Job:Swordsman na natutunan ko sa kanya. At nang sumapit sa sampu ang edad ko ay niregaluhan niya ako ng Magic Staff na may nakatagong patalim, tulad nitong gamit ko ngayon. He did that dahil papasok na ako sa akademya at doon na muna maninirahan kaya matitigil na ang pagsasanay ko sa kanya."

Otherworlder: The Man in Search for his Lost MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon