IKAPITO

24 1 1
                                    

IKAPITO

"Sinumpa yata akong tao."

Napasimangot si Sunshine nang tawanan siya ni Louie sa sinabi niya.

"Bakit mo ako tinatawanan?"

Magkatalikuran silang nakaupo at nakasandal si Louie sa kanya. Gusto niya sanang makausap ito nang harapan, pero sa hindi niya malamang dahilan ay hindi siya makagalaw sa kinauupuan niya.

"Kaysa sumpa, parang mas bagay 'yong term na tadhana." sagot ng binata.

"Ayun na nga, tadhanang may sumpa!"

"Hay nako, Sunshine. Hindi 'yan sumpa. Pagsubok lang sa 'yo 'yan ng tadhana."

Mapait siyang natawa. "Pagsubok, huh?"

Natawa lang ulit si Louie. At sunod na lang na nangyari, napadilat siya at napabangon mula sa sariling higaan. Madilim ang apartment niya. Ang natatanging liwanag ay ang pilit sumisilip na sinag ng araw mula sa maliit ng uwang ng kurtina sa bintana.

Tiningnan ni Sunshine ang sarili. Naka-scrubs pa rin siya na suot niya kahapon sa trabaho. Naalala niya, hatinggabi na siya nakauwi at pagkapasok na pagkapasok ng apartment niya ay napahiga na lang siya agad sa kama at nakatulog dahil sa sobrang pagod.

Naalala rin niya si Hershey. Naiwan na lang niya ito kagabi nang nakatulog na sa sariling ward matapos matingnan ng doktor. Bukod sa sakit sa mga natamong pilay at sugat, lango pa ito masyado sa alak kaya hindi makausap nang maayos. Wala rin silang matawagan na kamag-anak nito dahil wala itong binigay na kahit anong contact details. Wala rin itong mga personal na gamit maging mobile phone dahil may mga nag-interes sa mga iyon at basta na lang nawala sa pinangyarihan ng aksidente.

Niyakap ni Sunshine ang sariling mga tuhod at pumikit.

"Pagsubok, huh?" bulong niya nang maalala ang kanyang panaginip. "Lulu... Ano na bang dapat kong gawin?" At sa hindi niya malaman na dahilan, bigla na lang siyang naiyak.

***

Ugh. Bakit nga ba ako naiyak?

Inis sa sarili si Sunshine habang nasa biyahe papasok muli ng ospital. Buti na lang, may isang Jay siya na nakaka-chat.

JAY: Alam kong mahal mo ang trabaho mo, Shine. Alam ko rin gaano ka-hectic ang trabaho ng isang nurse.
JAY: Pero huwag mo sanang pabayaan ang sarili mong kalusugan.
JAY: Kailangan ka ng marami, na puwede pang dumami(huwag naman sana) na pasyente.

Ayun ang unang chat message na nabasa ni Sunshine kanina nang tuluyan na siyang bumangon. Tuwing iniisip niya iyon, napapangiti na lang siya.

E siya nga nagpuyat din hanggang sa makauwi ako. Balak pa nga ako sunduin.

Napaikot ng mga mata si Sunshine habang hindi mapigilan ang sarili na ngumiti.

Pero agad-agad din, napapatulala siya tuwing naaalala si Hershey. Nag-aalala siya rito, pero hanggang doon na lang iyon. Hangga't maaari ay gusto niya itong iwasan. Sa loob-loob niya, nagdadasal siya na sana nagpalipat ito ng ospital.

"Uy, Shine. Hanap ka ng patient sa VIP 3."

Pero ayun agad ang narinig niya mula sa isang co-nurse pagkarating na pagkarating niya sa nurse station. Alam niya e, iyon ang room number ni Hershey.

"Shine?" Kumaway ang co-nurse niya sa tapat ng kanyang mukha dahilan para mapakurap at balikwas siya. "Antok ka pa 'no? Balita ko anong oras ka na nakauwi e."

Sa Ilalim ng Ulan (ULAN Trilogy Book 3)Where stories live. Discover now