IKAWALO

31 1 0
                                    

IKAWALO


"Okay ka lang ba?" tanong ulit ni Khaizer.

Pero hindi pa rin makasagot si Sunshine. Hindi sa kasalukuyang tingin nito sa kanya. Hindi sa kasalukuyang lapit nito sa kanya.

Para siyang nalulunod. Hindi siya makahinga bigla nang maayos.

Marahas siyang napailing sa loob ng kanyang isipan. Nanghihina siya pero nagawa niyang makatayo nang mabilis at makalayo nang bahagya kay Khaizer. Pasimple niyang iniwas ang tingin sa mga mata nito nang mabawasan ang kabang nararamdaman.

"S-si Hershey." simula niya. "Napuntahan mo na si Hershey?"

Saglit na natulala sa kanya si Khaizer habang nakaluhod pa rin sa kanyang tapat.

"Si Hershey? No. Hindi pa." tumayo na ito at pinagpag ang isang tuhod. "Kararating ko lang."

Doon napansin ni Sunshine ang suot ni Khaizer. Cream-colored long-sleeved polo shirt na naka-tuck in sa itim na slacks. Ang mga sleeves nito ay nakatiklop hanggang siko. Halatang galing itong trabaho. Pero hindi niya makitaan ng pagod ang hitsura nito. Kinuwestiyon niya tuloy sa loob-loob niya kung totoo bang abala na tao ito kagaya ng sinasabi ni Hershey.

"Anong oras na... Tanghali pa noong tinawagan ka niya. Tapos ngayon mo lang siya pupuntahan?" mahina pero may galit sa boses niya. Galit dahil binabalewala nito ang babaeng kagaya ni Hershey. At... galit dahil hanggang sa mga oras na iyon, hindi pa rin siya nito nakikilala.

Tumitig lang ito ulit sa kanya. Doon niya pinakalma ang sarili.

Wala kang pakialam sa kanila Sunshine. At wala ka nang pakialam sa kanya.

"Sorry..." kalmado na niyang salita. "P-puntahan mo na siya. Kailangan na kailangan ka niya, Kh-" napahinto siya nang mamalayang kamuntikan na iya itong matawag sa totoong pangalan. "K-kaya puntahan mo na siya, please."

"Mm," tumango ito. "Thank you for looking after her."

Umiling si Sunshine. "Trabaho ko 'yon."

Nagkatitigan sila. Gusto nang makalayo ni Sunshine pero hindi na naman siya makagalaw at makahinga nang maayos. Hanggang sa biglang nilapit ni Khaizer ang isang kamay tila ba para may iabot sa kanya. Nang tingnan iyon ni Sunshine, nasa ibabaw pala ng palad niyo ang coin purse niya.

"A-ah, sorry. Thank you." mabilis niyang kinuha 'yong coin purse. Sa pagkuha niya no'n ay saglit na nagdikit ang mga kamay nila. Saglit na saglit lang iyon pero parang may malakas na kuryente iyon na binigay sa loob ng katawan niya.

"No prob." Nagpamulsa na ito.

"Sige na." Yumuko si Sunshine. "Puntahan mo na si Hershey. Bye." At naglakad na siya palayo.

"Shine."

Pero natigilan siya nang tawagin siya nito sa pangalan niya.

Parehong boses, parehong tono. 'Yong lalim, 'yong lambing, hindi nawala. Kung paano siya nito tawagin sa pangalan niya noon, walang pinagbago sa kung paano siya nito tinawag ngayon.

"Tama 'di ba? Sunshine?"

Pero hindi pa pala siya sigurado sa pangalan ko.

Sa Ilalim ng Ulan (ULAN Trilogy Book 3)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora