Chapter 4

111 2 0
                                    

Nathalie's POV

Nakakabinging katahimikan ang namutawi sa pagitan naming tatlo.hindi ko alam kung paano ako gagalaw.ni ang pagkurap ay hindi ko magawa.

S-si Mama..at papa..patay na--?

Kaloy,wala kaming panahon para makipag biruan pa sayo.umuwi ka na at mukhang lasing ka lang,”mahinahong aniya ni kuya bago napailing.

Si Kuya Kaloy naman ay hindi sinunod ang sinabi niya at nakayuko lang sa aming harapan.sandali pa'kong napakurap ng hihikbi itong nag angat ng tingin sa'min.

Halos kumalabog ang puso ko at bumara ang lalamunan ko.hindi ako makahinga at baka hindi ko kayanin ang kaniyang sasabihin.

T-totoo mga sinasabi ko,Niel.p-patay na sila--” agad siyang sinapak ni kuya sa panga kaya natumba ito sa harapan namin.

Napasandal naman ako sa pader dahil sa panghihina.tuluyan naring nanubig ang aking mga mata at napasigaw.

“Hindi totoo iyan Kaloy!bawiin mo ang sinabi mo!hindi pa patay sina mama at papa!”rinig kong sigaw ni kuya at napahagulgol narin.gustuhin ko mang magsalita ngunit hindi ko magawa.

Napasinghap na lamang ako nang kuwelyuhan  ni kuya Kaloy si kuya Niel na hindi parin matanggap ang nalaman.

Gumising ka nga,Niel!patay na nga sina Tita Trina at Tito Waldo!bakit hindi mo'ko kayang paniwalaan ha?!patay na nga sila!”galit na niyang sigaw kaya mas lalo lang kaming humagulgol maski si kuya Niel ay nakaluhod narin ngayon habang nakatakip ang mga palad nito sa mukha.

Hindi!hindi pwede!

Bakit nangyayari sa'min ang lahat ng ito?bakit nagkakaganito?okay lang sana e kung ibang problema lang pero ito?hindi ko ata matatanggap.

Ma?pa?uuwi pa naman kayo diba?

“N-Niel..Nathalie.. n-nasa morge na pala ang mga l-labi nila..”nilingon ko si kuya Kaloy na umiiyak parin.garagal ang kaniyang boses habang sinasambiy niya iyon.siguro'y hindi niya rin matanggap ang mga nangyayari dahil narin sa magkapatid ang mga magulang namin.at napamahal narin siya kina Mama...p-pasensya na,”

Mas lalo akong napahikbi sa mga huling lintaya niya.ang bigat sa dibdib.hindi ko alam ang aking gagawin.wala na akong lakas .hindi ko na kaya.

“k-kuya..”mahinang sambit ko dahil sa panghihina.napalingon naman sila sa akin at hahawakan na sana ako ni kuya Niel ng biglaang sinakop ng kadiliman ang aking paningin at nawalan ng malay.

THE WATSON BROTHERSWhere stories live. Discover now