Chapter 11

63 3 0
                                    


Punong puno na ngayon ng mga tao ang loob ng Arena.halos lahat ay mga mabibigating tao ang pumapasok sa kada oras. hindi ko magawang ngumiti o kahit na magsalita man lang dahil sa abot abot talaga ang kaba ko na nararamdaman.

Naka suot na kami ngayon ng damit namin sa laro at mejo nakakaramdam ako ng ilang dahil sa ang ikli at hapit na hapit pa ang ibinigay sa'king short na kulay itim.nasisiguro korin na kita na ata nila ang singit ko sa bawat galaw ko palang.

Hindi ko na lang iyon pinansin at umupo na lang sa may upuang naroon at naghintay na lang na tumunog ang bell.

“ow,our captain looks so pressure now.are you okay captain?isang boses ang narinig ko at kahit na hindi ko na ito lingonin ay alam ko na kung sino ito.

Freya

Hindi ko siya inimik at tumingin tingin na lang sa paligid. wala akong oras makipag sumbatan sa kaniya ngayon. ang focus ko lang ngayon ay kung pa'no mawawala ang kaba ko sa dibdib.

Akala ko ay umalis na siya at hindi na ako guguluhin pero nagulat na lang ako nang marahas nitong hawakan ang balikat ko.sinamaan ko naman siya ng tingin.

alam mo ba ang salitang respeto?wagmo akong ignoran kapag kinakausap pa kita ha?walang modo.”ngumisi siya sa'kin ng masabi niya ang mga iyon.

At dahil sa mejo mahaba ata ang pasensiya ko ngayon ay tumayo ako at naglakad paalis pero naka ilang habang palang ako ay hinila na naman nito ang braso ko.shuta namang babae't0!

Dahil sa ginawa niya ay nakaramdam narin ako ng inis.agad kong tinabig ang kamay nito bago siya hinarap.

“ano ba'ng problema mo ha?!”naiinis ko siyang tinitigan.

“anong problema ko?ikaw!ikaw ang problema kong malandi ka.”sagot niya rin sa akin na may halong inis.

“ako?kita mo na ngang hindi kita pinapatulan diba dahil umiiwas na'ko sa gulo!pero ikaw naman 'tong lapit ng lapit sakin! ”inayos ko ang naka pony tail kong buhok at mariin siyang tinignan.pwede ba Freya,mamaya ka na lang mang away at may laro pa tayo?”seryoso kong sabi at hindi pa man siya nakakasagot ay mabilis ko na rin siya iniwan.

Ilang minuto lang ang lumipas ng magsimula na ang laro.isa isa na rin kaming pumasok at ipinakilala.bahagya ko pang nilingon si Freya dahil sa pagbangga niya ng kaliwang braso ko.umirap lang ito sa akin na ikinaikot lang ng mata ko.akala mo naman ikinaganda niya.

Bigla akong napatingin sa kabilang team na dahan dahan naring pumapasok habang pinapakilala ng emcee. aaminin kong magaganda sila at halata rin na galing ang mga ito sa marangyang pamilya.natigil ang paningin ko sa kaharap kong babae dahil sa paninitig nito sa akin.

THE WATSON BROTHERSWhere stories live. Discover now