Chapter 9

80 3 0
                                    


Nag-iisip ka ba?!”galit na sigaw sa'kin ng walang iba kundi si Tyron.

Hindi na maipinta ang mukha niya na nakatingin sa'kin nang sabihin ko sa kaniya ang rason kung bakit ko siya ipinakilala na boyfriend ko kay Drake.

“sorry talaga, Tyron.kung sana e may nararamdaman parin ako kay Drake, hindi na sana kita nagambala pa.pero talagang hindi ko na siya mahal e.ayoko namang umasa siya kaya mas mabuti na ganon narin ang ginawa ko.”nakayukong pagpapaliwanag ko.

Nagi-guilty ako dahil nadamay ko pa siya sa problema ko haist.pa'no na kung may girlfriend naman pala ito at baka ako pa ang maging dahilan ng paghihiwalay nila.waaah hindi ko talaga kakayanin yun.

Mabilis akong nagangat ng ulo sa kaniya na naka cross arm paring nakatitig sa'kin.

“may girlfriend ka na ba?”seryosong tanong ko sa kaniya pero nanatili lang siyang nakatitig sa'kin. confirm!mag jowa na nga!

Nanlalaking mata ko siyang tinitigan. “naku,sorry talaga Tyron.sige okay lang kung ayaw mong pumayag.ayoko rin kasi kayong masira ng girlfriend mo–”

“I don't have a girlfriend, ”pagpuputol niya sa sasabihin ko na agad ko naman ikinatigil.

Wala naman pala siyang nobya pero kung maka tutol ay parang ang laki naman ng gulo na pinasok ko.

Kahit na naiinis ay hinawakan ko parin ang kamay nito at nagmakaawa.jusme!kay lambot lambot naman ng kamay niya!

“kung ganon,pumayag ka na please. ito na lang kasi ang paraan para iwasan na'ko ni Drake e.”pagmamakaawa ko at pinisil pisil pa ang malalambot na kamay nito.

Kita ko naman ang pagkagat niya sa ibabang labi na parang may pinipigilang isang emosyon bago ako pagtaasan ng kilay.

“at ano naman kapalit ng pagpayag ko?”tanong niya sa akin kaya napaisip isip naman ako.

Ano nga ba?hmm.

Nakahawak pa'ko sa baba ko habang nag-iisip hanggang sa may pumitik sa utak ko.

sagot ko na lunch box mo para araw araw narin tayong magka sabay na kumain.o ano?payag ka na ba?”nagpuppy eyes pako sa kaniya kahit na hindi ko ugaling mag ganon.syempre para effective.

Ilang minuto pa niya akong tinitigan na parang nag-iisip hanggang sa mapa buntong hininga siya at Tumango tango.

Deal..”pagpayag niya na lubos ko namang ikinatuwa.nagtatatalon pako sa ere at parang kilig na kilig.hindi ko alam pero parang may kung anong humaplos sa puso ko dahil sa sinabi niya.taena!“..in one condition. ”

THE WATSON BROTHERSWhere stories live. Discover now