Chapter 18

72 4 3
                                    


Maaga akong nagising dahil sa pagkatok ng kung sino sa pinto.binuksan ko ang cellphone ko para alamin kung anong oras na.

5:02 na pala ng umaga.bumangon ako at pinagbuksan ng pinto ang taong nasa pinto.

Bumungad sa'kin si coach Limy na nakangiti sa'kin.

“Coach?bakit po?”mahinang usal ko.

“Good morning. pinapaalalahanan lang kita na libre ang mga pagkain sa Camelo,tawag sa kainan dito.pwede kayong kumuha doon ng mga swimsuit,o mga kailangan niyo sa pagligo.libre lahat ng gagawin natin dito dahil kakilala ni Don Alejandro ang may-ari ng resort na ito.o siya at aalis na'ko. pasensya ka na kung naistorbo ko ang tulog mo,ha?”mahabang aniya ni coach.

Ngumiti ako sa kaniya at tumango.Okay lang po,coach.”

osiya sige.i-lock mo ng husto ang pinto niyo ha?mahirap na,”paalala nito ulit kaya tumango na lang ako.

Ng makaalis na si coach ang siyang pagsara ko naman ng pinto.tulog parin si Freya kaya bumalik ulit ako sa pagkakahiga sa kama ko.ilang minuto akong nakaidlip hanggang sa maramdaman ko na ang sikat ng araw na tumatama sa mukha ko.

Bumangon ako sa pagkakahiga at nagpunta sa banyo para maghilamos at mag toothbrush.nagbihis rin ako dahil nakaramdam ako ng pagkagutom.paglabas ko ay nakita ko si Freya na gising narin at abala sa hawak nitong selpon.itinali ko ang buhok ko.

“nagpunta kanina dito si coach Limy at ang sabi ay libre tayong mag-order ng pagkain sa Camelo.pati ang mga swimsuits ay libre din sa atin.”pagsasalita ko kaya naagaw ko ang atensyon nito.

sasabay ka ba? bababa narin kasi ako para kumain,”pag-aalok ko.

Tinarayan lang ako nito at pinagtaasan ng kilay. “psh!I can handle my self so just leave na lang and paki-lock na lang ng pinto.”

Napairap na lang ako sa hangin dahil sa sagot niya at lumabas na.kung makataray,akala mo maganda!hmpf

Alas syete na ng umaga at marami-rami na akong nakikitang mga tao malapit sa dagat ng makalabas ako.nagtungo ako sa counter at tumingin tingin sa mga maaaring pagpipiliang mga pagkain.

“Good morning,ma'am what can I do for you?”nakangiting sambit ng isang waiter na nandon ng makalapit sa'kin.

THE WATSON BROTHERSWhere stories live. Discover now