Chapter 10

75 2 1
                                    

Nathalie's POV

Agad akong nagising nang maramdamang yumuyugyog ang balikat ko.bumungad sa'kin ang magulong mukha ni kuya at ang matapang na amoy na alak na kumapit na ata sa katawan niya.

Tumayo ako at pinagpagan ang katawan.

bakit ka dito natulog?baliw ka na ba?”may bahid itong inis habang sinasabi iyon sa'kin pero inirapan ko lang siya.

malamang hindi.naiinip na kasi ako kakahintay sayo kaya dito muna ako nag istambay.san ba kasi kayo nagpunta at amoy alak ka pang lalaki ka?pareho tayong malalagot kay Mama niyan'e!”nagpupuyos namang angil ko dahil sa inis.

Nakakatakot pa namang magalit si Mama. nangungurot ng tagiliran.ang sakit kaya non.buti sana kung siya lang ang malilintikan e sa kasabwat ako kaya madadamay ako nito:(

Tumigil naman siya sa paglalakad at bahagya naman akong hinarap.Sshh, wagkang maingay.baka magising pa sina Mama at magdilang anghel yang mga sinasabi mo.”

“san ba kasi talaga kayo nagpunta ng kumag na yon?naku kuya dumistansya ka nga sa kaniya.nagiging bad influence na siya sayo oh!”

haist!magtigil ka nga sa kakasermon mo sa'kin at baka mabatukan kita.ako ang kuya baka nakakalimutan mo,Lie.tsaka sa club lang naman kami pumaroon at nagkainuman lang ng konti.”pagpapaliwanag niya pa.

“konti daw pero namumula na yang puting mata mo.hmpf!pumasok na nga tayo sa loob at ng makatulog na tayo kuya.”inaantok ko ng aniya sa kaniya at saka hinila na ito papasok ng bahay.

Napapahikab pa'ko habang umaakyat ng kwarto ng mapatigil kami sa isang tunog.nilingon ko si kuya dahil sa pagtunog ng tiyan niya na ngayo'y masama ng nakatingin sa'kin.

Kung makatingin naman 'to,parang kasalanan ko pang nagrereklamo na ang tiyan niya.

THE WATSON BROTHERSWhere stories live. Discover now