Chapter Three

0 0 0
                                    

As I opened my eyes, the first thing I saw was leaves as the sunrays came passing through the small holes. Some of it directly hit my eyes so I abruptly covered it with my right hand. I stayed on my position, back leaning on the ground while my sight focused at the blue sky and white clouds above me.

Ilang saglit pa ay may mga naririnig akong nagtatawanang mga bata at matatanda hanggang sa umiba ang paligid. Nawala na ang kaninang maaliwalas na paligid dahil dumami ang mga kahoy na nakatabon sa langit. Mayroon ding mga busina ng mga sasakyan at mga paang naglalakad sa bawat gilid ko.

Kunot noong bumangon ako ng dahan-dahan at nagtatakang nakatingin sa paligid. Parang nasa isang pamilyar na parke ako kung saan ay napakaraming tao na nakatambay, sa bench man o sa madamong parte nito. Agad akong umayos ng tayo bago nagsimulang naglakad.

'Di kalayuan mula sa akin ay may grupo ng mga madudungis na bata sa isang sulok. Napatitig ako sa kanila lalo na sa pinakabatang babae na kasama ng mga 'to. Agad ko silang sinundan nang hilain siya ng isang dalaga sa kung saan hanggang sa maglaho ng unti-unti ang babaeng kasama niya at lumitaw ang batang lalaki na umiiyak.

Tinignan niya ito at hinawakan ang mukha ngunit agad din siyang napabitaw nang gulat na magpalingga-lingga siya sa paligid at tumakbo ulit. Padilim ng padilim ang aming tinatakbuhan hanggang sa may narinig akong mga sumisigaw. Agad akong natigilan nang makita kung paano tumakbo ng mabilis ang isang sasakyan papunta sa kaniya.

Kasabay ng pagtilapon niya sa malayo ay siyang pagpintig ng puso ko sa kakaibang sakit dahilan para maimulat ko nang tuluyan ang mga mata.

Hinihingal na napatitig ako sa kawalan sa 'di malamang dahilan. Binalot ng kakaibang bigat at kalungkutan ang puso ko kaya hinayaan ko na lang na tumulo ang isang butil ng luha na dumausdos patungo sa kanang tainga ko. Agad akong tumagilid dahil pumasok ito sa loob at baka mabingi ako ngunit muntik na akong mapabalikwas nang makakita ng isang ulo sa tabi ko.

Tanging lamp shade lang ang nagbibigay ng ilaw sa paligid kaya hindi gaanong maliwanag ang silid. Nagtatakang tinignan ko ang paligid at ngayon ko lang napagtanto na hindi pamilyar sa akin ang lugar.

Kinakabahang bumangon ako ng dahan-dahan para hindi magising ang natutulog na lalaki sa dulo ng kama, ngunit nang inilapat ko ang kaliwang kamay para suportahan ang bigat ng aking katawan ay siya namang pagkuryente ng sakit nito papunta sa balikat ko dahilan para mapadaing ako ng malakas.

Mangiyak-ngiyak na tinignan ko ito at mas lalo pang nagulangang nang dumudugo ito dahil parang nasira ko ang pagkakatusok ng dextrose sa kamay ko. Pahapyaw ang bawat paghikbi ko dahil sa tumutulong dugo, malakas at mabilis ang bawat pagtibok ng puso ko sa bawat segundong lumilipas dahilan para mamanhid ang buo kong katawan.

Hindi ko na namalayang nilakbay na ng kamay ko ang natutulog na lalaki at hinila ang buhok niya para magising ito.

Ilang saglit pa ay lumiwanag na ang paligid, at kahit nawawala na ako sa sarili ay tinignan ko pa rin ang mukha ng lalaking kasama ko sa loob ng kwarto.

"What the heck? Anong nangyari diyan?" Gulat niyang tanong at dali-daling lumapit, umalis muna siya saglit at bumalik lang nang may dala-dala nang box. Kaagad niyang hinawakan ang dumudugo kong kamay at parang sinusuri ito, pero hindi iyon ang nakakuha ng pansin ko kundi ang mga magagaang paghaplos niya sa kamay ko na tila ba'y ginagamitan niya ito ng mahika para hindi na sumakit. At ang mukha niya...

"Have we met before?" I absentmindedly asked as I stared at his face. Kunot ang noo niya habang inaayos ang dextrose sa kamay ko, and without even looking at me, he spoke.

"Hello, miss minor na may student permit lang pero kung magpatakbo ng sasakyan, parang reyna ng mga kalsada." Saglit na tinignan niya pa ako habang ngumingisi. "Ayan po ang napala niyo, bumangga ka sa sasakyan ko a week ago."

Lana Series #4: Summertime Sadnessजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें