Chapter 6

2 0 0
                                    

Mabilis ang pagtibok ng puso ko. Hindi ko mawari kung bakit sa bawat kilometrong nadagdag sa kada segundo ng pagpapatakbo ko sa sasakyan ay siya namang pagbagal sa paglipas ng oras.

Hindi na ako makahinga at tila ba'y natutuliro na ako sa sobrang pagkahilo. "Hindi pa naman siguro ako nababaliw?" pagtatanong ko sa sarili sapagkat ramdam na ramdam ko ang panginginig ng buong katawan ko.

Hindi ko tuloy mapigilang maisip ang nag-iisang tao na kaya akong pakalmahin sa mga oras na nagkakaganito ako. Sa tuwing nararamdaman ko na iiwan ako ng lahat dahil sa kasalanan ko.

Gusto kong tumakas. Gusto kong tumakbo palayo—ngunit siya ang nagsisilbing angkla sa tuwing hinihila ng malakas na alon ang barko ko palayo sa baybayin ng paraisong nais kong daungan.

Lumalabo na ang paningin ko dahil bukod sa malakas na ulan ay patuloy na rin ang pagbagsak ng mga luha ko. Kung hindi ko lang naramdaman ang mainit na bagay na humaplos sa kamay kong mahigpit na nakahawak sa steering wheel ay hindi ko pa maaalalang may kasama pala ako sa sasakyan.

Agad akong napalingon sa kaniya at ang kaninang natatakot kong puso ay napalitan ng gulat, pagtataka... at kapayapaan.

"Philip..."

"Is it happening again, Solanna?" He asked. Then came that familiar smile that immediately caught me off guard the first time I saw it. Hindi ako sumagot at nanatili lang akong nakatitig sa kaniya, kaya siguro bigla siyang tumawa.

"Nagiging hobby mo na yatang mag panic attack sa sasakyan, delikado 'yan."

"Ngayon lang naman. Sinusunod ko naman 'yung sinabi mo na 'wag magdrive kapag alam kong wala ako sa wisyo a."

"Pero ano itong ginagawa mo ngayon?"

Hindi ako nakasagot agad.

Parang nabibingi ako sa katahimikan ng gabi kahit na palakas lang ng palakas ang ulan na sinasabayan ng pagkulog, at walang tigil ang pag-andar ng wiper sa harapan ko.

Wala sa sariling napasandal ako nang unti-unting bumabalik sa akin ang mga emosyon na pilit kong minamanhid nitong mga nakaraang araw.

Hanggang kailan ba matatapos ang lahat ng ito?

"If time heals all wounds... how long should I wait to feel better again?"

Lana Series #4: Summertime SadnessWhere stories live. Discover now