Chapter Four

2 0 0
                                    

12 Months Later

Golden rays of sunlight starts to slip through my closed eyes, I grunted with irritation especially when my phone suddenly rang from a distance.

Agad akong bumangon para tignan kung sino ang tumatawag. For the past months, walang ibang tumatawag sa akin bukod kay Lavender at iilang unknown numbers na for sure ay mga private investigators ng mga Sullivan.

Akmang babalik na lang sana ako sa kama dahil wala akong gana makipag-usap ngayon nang mahagip ng paningin ko ang kalendaryo sa may bintana. It's April 1!

May orientation ako ngayon sa first ever work ko, my goodness! How could I ever forget about it?

Agad akong napalingon sa phone kong nagri-ring ulit kaya agad ko itong pinuntahan at sinagot.

"Hello? Is this Solanna Sullivan?" Tanong ng isang babae sa kabilang linya. Shocks, I was right.

"H-Hello ma'am, i'm really sorry I didn't tend to your call immediately—"

"No, no. It's completely fine. I just called to let you know that we moved the orientation time later in the afternoon. Probably, at 1 pm sharp," she hurriedly said. Hindi ko pa man nahanap ang tamang salitang babanggitin ay nagsalita na naman siya ulit.

"May emergency lang sa bahay, pero pwede ka namang pumunta na roon so that you can familiarize the place, aabisuhan ko na lang ang iba na baka darating ka anytime from now."

"I see, okay," napatango ako as if she can see me agreeing with her at the moment.

I took a deep breath as soon as she hung up the call. She's actually Lavender's boss and at the same time her aunt. I met her when I decided to leave my hometown and rode a 12 hour car ride to get here.

A year ago was a mess.

The morning after that Alyster guy assured me a good night sleep, mom came crashing in my room, crying and begging for something I can't understand at first.

She was so hysterical, I thought she was worried about me but I was wrong.

Celine was in the hospital, fighting for her dear life dahil inatake siya ng sakit niya sa puso. Matagal na kaming sinabihan ng doctor na kakailanganin niya ng heart transplant but they can't find a susceptible donor.

We were good at first, not until we accidentally heard them talking about it. Celine and I were so close as kids, but right after we learned about mom and dad's plan, I have to lie low.

They wanted me to become Celine's donor. If time comes, and they're desperate enough, they'll do anything just to keep their beloved daughter alive, whether I like it or not.

I'll have no choice but to run away.

------

At exactly 12 noon, nilakad ko ang kahabaan ng pathway papasok sa main cottage ng Greenhills—isang sikat na pasyalan dito sa Eleanor City.

I really don't have any idea kung ano nang gagawin ko sa buhay ngayon. But I just keep on moving forward, pero pwede rin namang backward, depende sa mood ko.

In the midst of thinking, hindi ko na namalayang narating ko na ang dulo ng pathway, at wala akong makitang kahit anong cottage sa paligid, instead, I saw a wide field of grass that is perfectly trimmed.

Mas lalo pa akong namangha nang makita ang iba pang bundok sa kabilang dako at ang dagat na ngayon ay nagmistulang isang linya na lang sa paningin ko dahil sa sobrang layo.

Napangiti ako sa sobrang ganda ng tanawin hanggang sa biglang may nagsalita sa tabi ko.

"...hagdanan na 'yang hahakbangan mo—"

Napalingon ako sa lalaki dahil sa gulat ngunit huli na ang lahat para maintindihan ko kung ano ang sinabi niya. Wala sa sariling naihakbang ko ang isang paa na ikinalaki ng mga mata ko.

My heart's beating so fast hindi dahil kinakabahan ako sa mangyayari sa'kin ngunit dahil sa paghawak niya sa kamay ko't pagtitig niya sa akin na puno ng pag-aalala.

"Ayos ka lang?" he asked as soon as I safely stood infront of him again. Marahang ibinaba niya ang kamay ko dahilan para mapabalik ako sa reyalidad.

Honestly. I seriously vowed to myself not to fall inlove with every guy I just met. Pero kasi, singkit ang mga mata niya, makapal ang kilay at mamula-mulang labi, pwedeng exempted muna siya?

Napataas ang dalawang kilay ko as I bit my inner cheeks to keep myself from laughing. "Yes, i'm fine, thanks," as calmly as I could, I responded to him with a smile.

"Ha?" wala sa sariling sambit ko ulit a minute of silence later nang tumitig siya sa akin with his barely visible eyes dahil naniningkit ito sa kaniyang pagngiti. Oh my boy, stop that.

"Wala, I just find you really cute. Alis na ako," he hurriedly said before picking up his toolbox at iniwan ako ritong napatunganga. Hindi kasi klaro ang pagkakasabi niya kaya ayokong mag-assume—but did he just called me cute?

Thank God, hindi na ako 'yung Solana noon na may makapal na mukha para ayain ang mga lalaking matitipuhan ko as my bf. Pero ako naman 'tong napapatanga everytime na nagkakagusto ako sa kung sino-sino na lang basta pasok sa standards ko.

I really felt sorry for Alyster and all the boys I involved sa mga kabaliwan ko noon. Good thing, hindi ko na siya nakita pa, I never want to meet him again anyway.

Napailing ako to set my mind straight at dali-daling naglakad pabalik para hanapin ang main cottage na 'yon. Marami akong na-meet along the way and i'm so glad that almost all of the employees here are kind and accomodating...

"SOLANA SULLIVAN," ma'am Lucy said it cheerfully nang makapasok ako sa cottage. What really caught my attention sa lugar na 'to ay dahil sa mala cottagecore nitong designs. It's so elegant, cute and mystical at the same time, lalo na ngayon na nakita ang ang interior designs ng malaking cottage na 'to.

It's so perfect.

"Or should I say, Solana na lang. Sorry, I always really forgot about our little secret, nagagandahan kasi ako sa surname mo. Anyways, let's start about the rules and regulations in our little abode bago tayo magproceed sa gawain mo rito, 'yung sweldo mo at bibigyan na lang kita ng map para hindi ka maligaw sa magiging tahanan mo."

--------

Papalubog na ang araw nang matapos kami sa orientation. Bukas na raw ako magsisimula sa pag-maintain ng iba pang mga cottage, for now, pinayagan niya muna akong mamasyal at sasabay na lang ako sa pag-uwi ng iba mamayang 7pm dahil may service naman na inilaan talaga nila para sa amin.

Dali-dali akong bumalik ulit doon sa malawak na field para saksihan ang sunset. Ngunit mas lalo pa akong namangha nang makita ang dumadaming alitaptap na nagliliparan sa damuhan.

Hindi ito ang hiniling ko, pero may dumating pa na mas makakapagpasaya ng puso ko.

Kagaya ng kung paano naglakad ang isang pamilyar na pigura ng lalaki palapit sa akin sa gitna ng damuhan sa aking harapan. Nakangiti siya sa akin ngayon at para bang inukit talaga ang mga ngiting iyon para makumpleto ang araw ko—

Shit.

Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtantong wala pa lang tao roon at mas lalo pa akong nabanas dahil sa taong naimagine ko.

"Fudge, bakit bigla kong naalala si Alyster?"

"Yes? Ako ba tinutukoy mo?"

Parang nakalimutan ng puso ko kung paano tumibok nang marinig ulit ang boses na iyon.

Lana Series #4: Summertime SadnessWhere stories live. Discover now