Chapter 7

1 0 0
                                    

Nagising ako dahil sa tumatamang liwanag sa aking mga mata. Ang mainit nitong pakiramdam ang nagbigay sa akin ng ideya na mataas na ang sikat ng araw at kailangan ko nang bumangon para sa espesyal na mga kaganapan ngayon.

Maaga pa lang pero parang kanina pa naging busy ang mga kasambahay sa bawat sulok ng bahay. Maririnig mo rin ang mga kalansing at tawanan sa may kusina dahil sa mga kusinerang naghahanda ng makakain para sa gaganaping party.

Ganiyan palagi ang set-up sa bahay sa tuwing pumapatak ang unang araw sa buwan ng Agosto. Pero tignan mo nga naman ngayon. Masakit sa mata ang kalinisan at kung gaano ka organized ang bulwagan dahil nakakapanibago na walang nakakalat na decorations doon.

Simula noong bumuokod na ang mga kuya kong kambal para pagtuunan ng pansin ang pamilya nila at palaguin ang mga business nila, mas napapadalas na rin ang mga business trips ni dad na sinasamahan naman ni mom.

Wala rin palagi rito si ate at ang kakambal niyang lalaki dahil may kaniya-kaniya naman silang condo sa ibang city where they manage our family's main business.

At ako naman? Naiwan lang sa bahay. Mag-isa.

Kahit na may mga kasambahay naman sa paligid ay hindi ko rin naman sila nakakausap dahil ipinagbabawal daw iyon sa trabaho nila. Gustuhin ko mang may gagawin para naman may mapatunayan ako sa pamilyang ito, pero totoo pala na hangga't hindi mo nahahanap sa puso mo 'yung bagay na kukumpleto sa'yo, mahihirapan ka talagang magsimula upang damhin ang buhay na isang beses lang talaga natin matatamasa.

Summer na. Pero 'di tulad ng iba, hindi ko na nakakasama pa ang buong pamilya para sa mga family bondings. Walang dagat, walang parties, walang dad na mag a-announce ng outings, walang mom na papasok sa kwarto ko upang tulungan akong mag-impake, at higit sa lahat, wala ang mga kapatid kong walang sawa kung magkukulitan.

Para bang dahil sa isang iglap, nagbago ang lahat...

At nakalimutan nilang andito pa ako na naiwan nila sa inabandona nilang palasyo na ilang taon na nilang hindi binibisita.

Kung sa tingin ng iba malungkot na ang ganiyang buhay, paano pa kaya kung sasabihin ko na wala man lang akong natatanggap na tawag mula sa kanila.

Ganoon na ba talaga sila ka galit sa akin?

Ganoon na ba ako ka halimaw sa kanilang paningin?

It was just an accident... a single mistake...

It's funny how one stain can easily pull you out from grace, but you have to invest your whole life just to be accepted and validated as a human.

Bago pa man ako malunod sa mga iniisip ay iniling ko na ang ulo at nagpatuloy sa pagbaba ng hagdan. Hindi ko tuloy maiwasan na maalala ang isa sa mga pangarap ko noon na magkaroon ng engrandeng debut.

Suot-suot ang magarbong silver gown, bababa ako sa engrandeng hagdan na ito habang kumakaway sa mga taong naghihintay sa akin sa bulwagan.

Pero hindi naman nangyari... At kailanman ay hindi na 'yun mangyayari.

Didiretso na sana ako sa main door upang magpahangin sa garden nang marinig ang sunod-sunod na pagkabasag sa loob ng kusina. Saglit akong natigilan bago dali-daling nagtungo roon at napatulala lang sa nakita.

"Ano ba naman kasi 'yan, ineng! Sabi ko naman sa'yo 'wag kang magmadali at wala namang humahabol sa iyo upang mataranta ka ng ganiyan." Bahagyang pinapalo ni manang Esther ang isang dalagita. Napakunot ang noo ko dahil hindi ko kilala ang isang 'yon. Nag-hire pala ng bagong katulong?

"Eh kasi naman auntie, kailangan ko na 'tong tapusin kaagad para maasikaso ko na 'yung breakfast ni madam. Balita ko kasi magkasing edad lang kami e, malay mo mabait pala," naeexcite niyang sabi kaya bahagya akong napangiti.

Kamu telah mencapai bab terakhir yang dipublikasikan.

⏰ Terakhir diperbarui: Jul 21, 2023 ⏰

Tambahkan cerita ini ke Perpustakaan untuk mendapatkan notifikasi saat ada bab baru!

Lana Series #4: Summertime SadnessTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang