Chapter 2

632 8 0
                                    


Dalawang araw na ang lumipas simula ng bumisita dito ang mokong na 'yun. Mabuti nga at hindi na talaga siya bumalik dahil nakakabwesit ang pagmumuka niya at ubod pa ng kamanyakan.


Abala si jenna sa pagtirintas ng buhok habang ako naman ay nanunuod lang sakanya mula sa malaking salamin kung paano niya ayosin ang buhok at subrang ganda nito.


"Ang ganda naman ng pagkakatirintas mo jenna"Nakangiting saad ko ng matapos na niya ayosin.


"Nako ma'am sanay na po kasi ako sa pagtitirintas"



"Salamat dito ah tsaka sayo na tong tobleron"Ayaw pa sana nitong tumanggap pero pinilit ko parin ito kaya wala siya nagawa kundi tanggapin na lang.



"Mauuna na ako sainyo ma'am salamat dito"Tumango lang ako sakanya at umalis na ito pababa.


Black highwaist at white croptop ang sinuot ko dahil magkikita kami ngayon nila Rianna, Gabrielle at iba pang kaibigan namin. ako pang yata ang Hindi pa professional sakanila. Gusto ko rin muna eenjoy ang buhay ko.


Bumaba ako at lumabas ng bahay atsaka nagtungo sa garahe para kunin ang kotse ko. Pagkapasok ko sa loob ng kotse ko ay biglang tumunog ang cellphone at kaagad ko itong sinagot ng si Rianna ang tumawag.


"[Nasaan ka na bang babae ka, alas nuebe na at wala ka parin]"Bungad nito sakin kaya mabilis ko nailayo sa taenga ko ang cellphone ko dahil sa pagsisigaw nito na akala mo naman bingi ako.


"Ano ba yan Rianna wag ka ngang sumigaw di naman ako bingi tanginamo"Gaga talaga ang babaeng 'to kung hindi ko lang to kaibigan nako iwan ko na lang.



"[Bilisan mo nga. sasampalin talaga kitang bruha ka pagdating mo dito sa restau]"


"Ok, Baba ko para makaalis nako"Hindi ko na ito pinasagot at kaagad na pinatay ang tawag at pinaandar ang sasakyan bago nagmaneho paalis.


Bente minutos ang binayahe papuntang CMC restaurant. Kaagad kung pinarada ang sasakyan ko bago bumaba at pumasok sa loob. Iginala ko muna ang paningin ko para hanapin kung saan sila nakapwesto at ng makita ko si Rianna na kumaway ay mabilis akung nagtungo sa pwesto nila.



"Ang tagal mong babae ka"Inirapan ko lang ito.


"Para naman kayong mga bata  tumigil nga kayo"Suway samin ni Gabrielle habang si Ash at loraine naman ay tumawa lang. Mga sira talaga.


"Kumain nga muna tayo nagugutom na ako, punyeta kasi tong si Denice dinaig pa ang pagong kumilos"Mabilis kung binatokan si Loraine dahil katabi ko lang naman ito.


"Ang sabihin mo kasi ang takaw mo Loraine, dinamay mo pa talaga ako"



"Ang sama naman nito, mapanakit kana denice ah. ikaw ba talaga yung kaibigan namin, baka isa kang elemento"Nakatanggap ito ng panibagong batok mula Gabrielle.


"Tumigil ka na nga Loraine para kang baliw dyan"Si ash ang nagorder ng pagkain namin gaya ng sabi ni Loraine ay kumain muna kami bago nagumpisa ang paguusap kuno na wala naman akung alam.


"So ano pala ang pagusapan natin?"Panimula ko sakanila ng matapos na kami kumain.


"Birthday bukas ni Cathelyn at gusto ko sanang isurpresa natin siya"


Oo nga pala birthday ni Cathelyn bukas, bale anim kasi kami g magkakaibigan. since elementary pa kaming magkaibigan magpahanggang ngayon at masaya ako na walang nagbago samin.


"Oo ba g ako diyan"biglang sabat ni ash na kanina ay tahimik lamang.


"Why not magrenta tayo ng resort"


"Wow RK yarn"

"Anong RK?"Takang tanong ko kay ash habang nakakunot nuo.


"Rich kid"


"Ok naman yung sinabi ko para maganda at masaya"Sabi ko sakanila. Mas ok kasi yun para enjoy dahil matagal narin akung di nakapunta ng dagat.


"Tama naman si denice ok yung suhestyon niya"Si Gabrielle na sinang-ayonan naman ni loraine at Rianna.


"So ok na ang lahat ako na lang ang bahala sa venue duon Bigay niyo nalang sakin ang pera niyo para maipon natin dahil may alam akung resort na maganda at tamang- tama yun"



"Sige, Chat lang kayo sa isang gc natin kung saan yan at para duon na natin mapagplanohan ang lahat at maihanda na para bukas"Wika ni Rianna at nagkibit balikat



Matapos ang ginawa naming paguusap at pagpapaplano ay nagkanya-kanya na kami kung saan pupunta. sina rianna at Gabrielle ay papuntang mall may bibilhin lang at ako naman ay nagpunta sa isang bakeshop ng tita ko para omorder ng cake. May pang gift narin naman ako kay cathelyn.





@Ateng_Jonnaxx

One Night Pleasure (COMPLETED)Where stories live. Discover now