Chapter 23

259 4 0
                                    

"Ayiiieeeh ate kanina pa nakatingin sayo si kuya skyler oh"Kinikilig na tili ni ruby ang pinsan ko na bakla, labing limang taong gulang pa lamang ito pero ang dami ng alam sa mga paglalandi.

"Magsitigil ka nga diyan ruby kukurotin ko yang betlog mo diyan"Tinawan lang ako ni ruby at sabay sundot sa tagiliran.

Marami ng tao ang nandito sa court, ngayon kasi championship ng basketball at volleyball, nasa may bleachers kami ni ruby, hindi sumama sila ante dito dahil inaasikaso rin kasi nila ang mga bisita namin.

Mamayang gabi naman ay may disco na gaganapin yun ang sabi sakin ni ruby at try ko daw mangdisco mamayang gabi.

Nagsisimula na ang laro at hawak ngayon ni skyler ang bola ngayon, yung mga kalaban nila naman ay hinaharang siya para hindi niya maishoot sa ring pero kalaunan ay nashoot niya ito, nagsihiwayan naman ang mga kababaihang nandito. mukhang crush yata siya ng bayan eksep sakin dahil manyak siya at wala akung panahon para sa mga ganyan dahil nagsasayang lang yan ng oras.

"Goo!!! kuya skyler para kay ate dennice!!!"Sigaw ni ruby na ikinalingon ng ibang tao sa gawi namin, si skyler naman ay napatingin sakin at subrang lapad ng ngiti yung abot taenga sabay kindat sakin.

Ang advance talaga ng batang to at kung ano ano ang pinaggagawa kahit walang katotohanan, napabunting hininga nalang ako at nagfocus sa mga naglalaro.

Natapos ang laro at sina skyler ang nanalo, nagulat ako ng una dahil kaagad itong lumapit sakin pagkatapos nila maglaro pero ang mas ikinagulat ko ay ipinusta pala ako ng magaling kung pinsan, kukurotin ko talaga mamaya yung baklitang yun.

"So pano yan makikipagsayaw ka sakin mamaya sa disco"Nakangising sabi niya, lumapit rin sa gawi namin yung ibang kaibigan niya.

"Wow dude nung sa bakery sinabihan mokong tumigil ako sa pagiging womanizer ikaw pala yung didiskarte naks naman"

"Ibang klase karin skyler"

"Magpaparty naba ako nito? di joke lang tsaka mauuna na ako sainyo baka uuwi akung black eye mamaya sa asawa ko"Napuno ng tawanan dahil sa sinabi nung isa niyang kaibigan na may asawa na pala at isa itong engineer.

Hindi ko siya pinansin at iniwan siya duon hinabol niya pa ako pero kaagad akung sumuot sa maraming tao at hinanap ang kotse, nauna na pala si ruby duon, nakakrus ang mga braso niya habang nakasandal sa kotse ko, naningkit ang mata kung lumapit sakanya at pinitik ang kanyang nuo na siya ikinadaing niya ng mahina.

"Ikaw talaga ruby ipinusta mo pa ako"Sabi ko sumakay sa sasakyan ko, sumunod rin ito sa passenger seat.

"Para naman may boyfriend ka ate tsaka gwapo naman si kuya skyler"Aniya at kumain ng chitcharong baboy at may sawsawan itong suka.

"Wala pa akung panahon diyan ruby tas ikaw iwan ko nalang sayong bata ka"Nagmaneho na ako papauwi at alas kwatro palang naman ng hapon.

Maraming sasakyang nakaparada sa may puno ng mangga at marami ring tao sa bahay at mukhang kakilala nila ante at lola ang mga iyon. bumaba ako at sumunod naman sakin si ruby na nasa may likoran ko lang.

Halos lahat ng bisita ni lola ay sakin nakatingin at may pagtataka ang mga mukha nito, nagmano ako kay lola nanlaki ang mata ko ng makitang sino ang ibang bisita ni lola, wala ng iba kundi si skyler kasama yata niya ang kapatid niya na magkasing eda lang ji ruby.

Iniistalk ba ako ng lalaking 'to? at papanong nandito siya sa bahay? subrang close pa nila ni lola.

"Senyorito ito yung apo ko si dennice"Pagpapakilala sakin ni lola sakanya kahit hindi na naman kailangan at pinapakulo lang ng lalaking to ang dugo ko.

"Ang ganda naman ng apo mo nay ang sarap ligawan at gawing asawa"Napaubo naman ako sakanyang sinabi pati narin ang ibang nandito sa may balkonahe pero bakit ba tinatawag ni lola ang lalaking to ng senyorito.

"Ikaw talaga senyorito pero kung magkakagustohan man kayo nitong apo ko wala naman akung problema at hindi ako ang humawak ng desisyon dahil may kanya-kanya tayong desisyon sa buhay"

"Liligawan ko po ang apo niyo nay kung papayagan niyo po ako"aniya at ngumisi sakin ng nakakaloko habang kumakain.

Ano bang trip ng lalaking to at tuwing nagtatagpo ang landas namin ay binubwesit niya ako. Kaagad namang pumasok sa isipan ko si axeirus, masaya na siguro siya ngayon dahil natupad na niya ang mga pangarap niya habang ako nandito in the process of healing the pain he did.

Hindi ko naman siya masisi at nagpabitag ako sakanya pero ngayon aalisin kona yung pagmamahal ko sakanya at kalimutan na siya, hindi nga talaga siya para sakin. magsisimula ulit ako pagkatapos kung makamove'on at wala rin naman sigurong masama kung makikipagkaibigan ako kay skyler pero binibwesit lang talaga ako ng lalaking to.

Siguro masaya talaga kasama ang lalaking to pag nagkaclose kami pero ayoko muna ngayon. nabalik ako sa reyalidad dahil sa sinabi ni lola.

"Oo naman basta masaya ang apo ko senyorito skyler"








@Ateng_Jonnaxx

One Night Pleasure (COMPLETED)Where stories live. Discover now