Chapter 14

317 5 0
                                    




Nasa Mall kami ngayon habang kakwentohan ko si rianna habang namimili kami ng sandals at sakto rin ngayon dahil ininvite ako axeirus sa birthday ng bunso niyang kapatid na babae na sa susunod na araw na.

Naagaw ng atensyon ko ang isang sandals color black ito, simple lang siya pero subrang ganda tingnan, kinuha ko iyon at pinakita kay rianna. nagagandahan rin ito.


"Holy shit ang ganda denice halatang bagay sakin"Nakapamewang niyang saad habang nasa harap ko, mabilis ko naman itong binatokan.


Napadaing ito na ikinatawa ko, Baliw talaga ang babaeng to kahit kailan kaya nagtataka talaga akung bakit nakasali ito sa circle of friends namin.



"Sira, anong bagay sayo sakin lang noh at ako ang nakakuha nito kaya hanap ka na lang"Inirapan lang ako ng bruha, napailing nalang ako sa babaeng yun.



Nagpapadyak itong humanap sa sandals section at ng makahanap ito ay iwinawas pa talaga para ipakita sakin at painggitin ako.


"Pangit ng sayo denice tingnan mo ang sakin ang ganda oh hah"



"Iwan ko sayo rianna tara na nga"Walang pasabi-sabi ko itong hinila kung nasaan sila Gabrielle na namimili ng damit at accessories.



Shit! mabuti nalang talaga at nakita ko si Loraine na nagtitingin sa mga singsing at kwintas. Ano kayang pwede kung iregalo sa kapatid ni axeirus panigurado laging nakukuha ang gusto non dahil subrang yaman nila.



Napatingin ako sa isang kwintas, heart ang pendant nito na may rose sa loob, subrang gandang tingnan.



"Magkano to miss"Tanong ko sa sale's lady habang nakaturo sa kwintas na tinutukoy ko.


"100k ma'am"Halos lumabas na ang mata ko sa gulat dahil subrang mahal nito pero di naman siguro mababawas ang atm ko nito dahil 2.5 million ang laman nito.


"Ok, bibilhin ko yan"Ani ko.


Kinuha nito ang kwintas at nilagay sa lagayan nito bago isilid sa isang may kaliitang paper bag, binigay ko rin sakanya ang atm card ko at ng matapos ay ibinalik niya sakin.



Bandang tanghali na ng matapos kami sa pagshoshopping sa mall ay napagpasyahan muna naming kumain sa isan
g restaurant na di kalayuan sa mall na pinanggalingan namin.



"Anong sayo denice?"Tanong sakin ni loraine habang hawak ang menu.



"Kung ano sainyo ganon na lang rin ang sakin"Saad ko habang naglalaro ng tong'its, offline lang siya kung online ay magkakapera ka talaga dito.



Ilang minuto pa ay dumating na ang order namin, isa-isa itong nilapag ng wait sa mesa at pagkatapos ay umalis na.


"Nga pala kailan ang kasal niyo Gabrielle"Napaubo naman ako sa sinabi ni loraine, grabi kasal agad eh kakaalam ko lang tsaka ang aga pa naman para ikasal sila.


Dapat three to five years silang magnobya bago ang kasal, yun kasi ang sabi ni tita sakin kaya kung ako di muna ako magpapakasal ng ganon kaagad.



"Ang atat mo loraine kayo nalang kaya ni kypton ang magpakasal"Mapanuyang saad ni rianna habang kumakain.




"Hoii ang sama mo naman sakin rianna nagtatanong lang ako ano"Pinanlakihan niya ng mata si rianna at ako naman ay naiiling lang na kumakain.




"Kayong dalawa para talaga kayong mga bata tsaka matagal pa kaming ikakasal ni marcus, atat ka lang talaga loraine na makikain. alam naman nating ang takaw mo"Aniya ni Gabrielle habang natatawa na tiningnan si loraine na ang dama na ng tingin ngayon.




"Magsitigil nga kayo"Suway ko sakanila, ang tatanda na kasi tapos kung mangasta parang mga high school pa.


Tumigil naman kaagad ang mga to ang tahimik na kumakain hanggang sa matapos kami, ihinatid muna nila ako sa bahay dahil kailangan kung iuwi sa bahay ang mga pinamili ko. Hindi naman kasi pwedeng dalhin.ko sa kompanya.



Pabalik na ako ngayon sa kompanya ni marcus, sayang naman kasi ang oras kung hindi ko pagtatrabahoan, alas dos palang naman kasi ng hapon.



Naabotan ko naman si axeirus na kausap si marcus sa kanyang opisina, magkakilala pala ang dalawang 'to.


Well pareho naman silang mga business man kaya normal lang talaga yun at hindi na dapat ikakataka.



"My wife is here"Sabi ni axeirus habang nakatingin sakin kaya pinaningkitan ko ito ng mata.


Ang loko ng lalaking to kung ano-ano ang pinagkakalat niyang di naman katotohanan.


"Really Mr.Cohen? that goods by the way her friend is my fiance too"Masayang saad ni marcus na tila hindi makapaniwala.


Hindi naman talaga dapat siya maniwala da lalaking yan ang sinungaling!


"So that's it I have to go now"Malamig at seryoso niyang paalam dito bago ako hinila palabas.


"Ano ba bitawan mo nga ako axeirus"Gigil kung sabi at pilit na binabawi ang kamay ko sa pagkakahawak niya.


"No, why don't you tell that you're work at marcus companies damn it"

Ano bang problema niya at ganito siya umasta na akala mo boyfriend ko siya, nabagok yata ang ulo ng lalaki nato at nasisiraan na.


"Hoii problema mo"Pinanlakihan ko siya ng mata at kinurot sa tyan niya na ikinadaing niya.



"I'm jealous"Pagkasabi niya non ay humagalpak ako ng tawa.


Selos? Wala namang kami at hindi rin siya nanliligaw sakin at hindi ko rin siya type dahil sa pagkamanyak niya. wala talaga akung gusto sakanya pagkakaibigan lang ang gusto ko dahil nakakatrauma pumasok ulit sa isang relasyon.








@Ateng_Jonnaxx

One Night Pleasure (COMPLETED)Where stories live. Discover now