Chapter 12

332 5 0
                                    

Alas siyete na ng gabi bago ako makauwi dahil may ginagawa pa ako at kailangan kung taposin agad iyon kaya ako nagabihan ng uwi.


Pagkapasok ko pa lang ay mukha kaagad ni axeirus ang bumungad sakin sa may sala, nilalaro nito ang kanyang kamay na para bang hindi mapakali.


Anong ginagawa niya rito?


"Please denice forgive me please I'm sorry"nagmamakaawa nitong saad habang nakaluhod sa harap ko.


Ang laki ng eyebags nito at parang kulang ng tulog pero impossible naman yun baka may pinagpuyatan lang ang lalaking to.


"Oh sige"Irap kung pagpayag kahit labag sa loob ko ang patawarin siya sa ginagawa niya ay mababaw lang naman ito at normal lang naman dapat yun pero ang laki ng impact sakin siguro dahil nasanay akung sweet siya sakin at inaasar ako palagi.


"Bumalik na tayo sa dati please"Tumango ako sa sinabi niya, niyakap ako nito ng mahigpit at ang saya-saya pa niya.


"Oo na, pasalamat ka talaga at magkaibigan tayo"Saad ko at niyakap din siya pabalik.


Ako na ang humiwalay sa yakapan namin at naupo sa sofa at nagpahinga muna ako ng ilang saglit, si axeirus naman ay inilapag sa center table ang dala niyang pagkain na binili niya sa labas.


"Wews naks ahh ang sarap ng mga pagkaing binili mo"Ani ko at natatakam na tiningnan ang mga pagkaing nasa center table.



"It's all yours baby"Aniya habang natatawa, napanguso naman ako dahil sa ginawa niyang yun.



"Kakainin ko to ah"Kinuha ang ang Jollibee burger at ang halo-halo, may pizza panga at cake.



Abala lang ako sa pagkain at siya naman ay pinanuod ako habang kumakain at paminsan pa ay parang natatawa, ang sama talaga ng lalaking to minsan.


Swerte ng babaeng mapangasawa ang lalaking to dahil kung manuyo wagas kung bumili ng pagkain at minsan naman ay nang-aasar. Ibinaba ko ang halo-halong kinain ko ng makita sina mommy at daddy na mukhang galing sa kompanya, humalik ako sa mga pisnge nito at si axeirus naman ay bumati sakanila.



"Glad to see you here again axeirus"Si mommy at nagslice ng cake at nilagay sa platito niya.


"Yeah, I'm just busy on those past few days"Sagot ni axeirus dito, ako naman ay busy lang sa pagkain ng cake at hindi sila pinansin.



"You're really great president and CEO  of your own company iho"Puri ni daddy sakanya.



Totoo naman kasi sa edad niya palang na 21 ay nagkaroon na ito ng sariling kompanya at gayong nasa 28 na ito ay subrang successful na niya at iwan ko ba sakanya kung saan ang magulang at kapatid niya dahi hindi naman ako chismosang tao.



"We're same Mr. Santos"Natatawang sagot niya sa puri ni daddy.



Marami pang pinag-usapan ang to tungkol sa negosyo at bandang alas nuebe ay nagpaalam na si axeirus na aalis niya pero hinatid ko muna ito hanggang sa labas ng gate.



"Ingat sa pagmamaneho aasawahin mo pa ako"Biro ko sakanya at humagalpak ng tawa.


"Yeah I will baby, pano na tayo gagawa ng isang dosenang anak niyan"Mas lalo akung humagalpak ng tawa na ikinasama ng tingin niya.



"Gago to binibiro lang kita, sige na umalis kana at gabi na oh"Tinulak-tulak ko pa ito ng marahan habang natarawa parin.



"Damn it denice"mura nito bago pumasok ng tuloyan sa kotse niya pero bago pa man ako aalis papasok sa loob ng mansyon ay ninakawan pa muna ako nito ng isang halik sa labi bago mabilis na sumakay sa kanyang kotse at pinaharorot paalis.



Iling-iling akung pumasok sa mansyon namin at pumasok sa loob bago umakyat sa taas dahil gusto ko narin magpahinga at may trabaho pa akung gagawin bukas.




@Ateng_Jonnaxx

One Night Pleasure (COMPLETED)Where stories live. Discover now