Chapter 21

260 3 0
                                    

Nakarating ako sa Sta. Maria bulacan kung saan nakatira ang lola ko na mama ni mommy, sa totoo lang Hindi naman mayaman si mommy kung hindi siya napangasawa ni daddy pero ngayon ay wala na ang lahat.

Matagal-tagal narin simula nung huli kung punta dito, mga nasa apat na taong gulang pa lamang ako nuon. Buhay pa kaya si lola? at sina auntie? kamusta na kaya sila. Ihininto ko ang kotse na sinakyan ko sa may puno na malapit lang sa may kalakihang bahay na gawa sa kahoy, Bumaba ako at nagtungo duon nang matanaw ko si aunte emillia na kapatid ni mama.

"Ante emillia!"Tawag ko dito, lumingon naman ito sa gawi ko at gulat na gulat ang rumerihestro sa mukha niya at nabitawan ang walis tingting.

"Dennice? ikaw na ba yan?"Gulat na tanong niya at mabilis akung niyakap ng mahigpit at ganon rin ako.

"Ma!! nandito si dennice, Ma!!"Sigaw nito at nakita kung lumabas si lola at lolo kasama ang mga tiyahin at pinsan ko.

"Apo ikaw na ba iyan, ang ganda mo talagang bata manang-mana sakin"Nakangiti ani ni lola habang papalapit sakin.

Nagmano ako sa kanila pero pinapasok muna nila ako bakit bigla akong naparito sa tinagal na panahon, kinuwento ko naman sakanila ang nangyari at kung anong rason kung bakit ako nandito sa sta. maria, alalang-ala sila kay mommy.

"Nako apo mabuti at dito mo naisipang umuwi"saad ni lola at hinaplos ang buhok ko.

"Wala naman akung ibang pupuntahan lola eh"Natatawang sabi ko dito.

Siguro dito sa lugar nato ako magsisimula ng bagong buhay yung malayo sa gulo, hindi narin siguro ako uuwi ng manilang kahit kailan dahil magugulo lang ulit ang buhay ko.

Masaya naman si axeirus sa piling nung babaeng pinakamamahal niya at ikakasal na sila kaya wala na akung babalikan pa duon maliban sa mga kaibigan kung nandyan lagi para sakin.

Sumapit ang hapon ay sinama ako ni lola mamalengke para sa lulutoin na putahe bukas dahil araw dito sa lugar nila lola.

"Aba nay ellena ang ganda naman ng kasama mong dalaga"Aniya ng isang tindera habang nagtitimbang ng sibuyas.

"Abay oo naman apo ko yan at mana sakin"Nakangiting sabi ni lola at nilahad ang bayad, ako ang nagdala ng pinamili niya dahil wala naman akung alam kung ano ang bibilhin ni lola.

Natapos kami sa pamimili ay nagpunta muna kami sa isang bakery para magsnack muna at baka nagutom na raw ako kahit hindi pa naman.

"Anong gusto mong tinapay apo kahit ano"si lola. Nasa kotse ko ang mga pinamili namin kanina sa palengke.

"Ano nalang la pandesal tsaka iyang banana cake"

"Oh sige apo maghintay ka lang muna dito"Tumango ako, nilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng bakery nato.

May kalakihan ito at subrang linis ng paligid, yung arrange talaga ang mga gamit dito, sa iba kase ay kalat at maraming langaw ang paggala-gala. Nabalik ako sa reyalidad ng may isang grupo ng kalalakihang papasok at subrang ingay pa, nakasuot pa ng jersey ang mga 'to at halatang kagagaling lang maglaro ng basketball.

"Mukhang bago yan dito dude, she's so gorgeous"Na pintig ng taengay ko ang sinabi nung isang lalaki na nakaash gray ang buhok, mga gwapo naman sila lahat at parang galing sa mayamang pamilya dahil sa kutis nila at pananamit lalo narin kung magsalita.

"Stop being so womanizer Ezro"Seryosong ani ng lalaki habang nakatingin sakin na may ngisi sa labi at kinindatan pa ako pero tanging irap lang ang ginanti ko.

Siya sana ang pinakagwapo sakanila kaso mukha namang manyak. kung siguro hindi ako broken hearted ay baka may crush nako sa lalaking 'to.

"Nahiya naman ako sayo Clyde skyler"Parang iwan na sabi nung ezro habang yung mga kasama niya naman ay nagsitawanan sa kanilang dalawa.

Hindi kona sila napansin pa ng bumalik si lola bitbit nito and malalaking pandesal na mainit pa at isang 1.5 na coke.

"Kain na apo at ng makauwi na tayo"

"Sige po la"Kumuha ako ng isang pandesal at kinagat yun si lola naman ay hiniwa yung banana cake at nagsalin ng coke sa baso.

Ang sarap talaga ng ganito kahit hindi pang sosyalan ay maeenjoy ka talaga kahit simple lang, napairap ako at sinamaan ng tingin Yung nagngangalang skyler, ang piling ng lalaking to kala mo naman magkakilala kami pero halatang nasa grupo nila ang pagiging papansin at pagkababaero.

Nagfocus nalang ako sa pagkain ki at hindi na muling nilingon sila dahil mga papansin, ganito nga siguro ang mga lalaki sa probinsya.









@Ateng_Jonnaxx

One Night Pleasure (COMPLETED)Where stories live. Discover now