Chapter 24

270 3 0
                                    


Naging madali para sakin ang panahon at masasabi kung sa panahong nagdaang iyon ay nakakalimotan kona si axeirus, naging magkaibigan rin kami ni skyler nung magsimula akung magtrabaho sakanya bilang isang sekretarya niya, hindi ko nga yun inaasahan na big timer pala ang lalaking yun dahil sa simple lang ito at hindi hambog sakanyang pagkatao kahit ang yaman niya.

He confess me his feelings  at once pero nireject ko iyon dahil hindi pa ako handang pumasok sa isang relasyon at natatakot akung magmahal ulit na baka maulit yung sa nakaraan ko. sinabi niya namang handa siyang maghintay kung kailan ready na ako.

"Pinabigay ni sir skyler ma'am"Kinikilig na nilahad sakin ang isang bouquet of tulips ni Anne, employee ni skyler.

"Nagabala pa ang lalaking yun sinabihan ko ng tumigil na siya kakabigay sakin ng bulaklak pero matigas parin ang ulo"Iling-iling kung sabi at pagkatapos ay sabay kaming natawa ni anne.

Ang sabi sakin dati ni anne ay palagi rin itong pinaglalaroan ng mga babae at yung iba naman ay pera lang ang habol, medyo napakulo ang dugo ko non nung magkwento sakin si anne, para sakin kasi perfect na si skyler, subrang gwapo, mabait, matulongin, hindi hambog at mayaman rin tapos paglalaroan lang siya ng mga naging kasintahan niya ang kapal ng mga babaeng yun, ang akala ko talaga ay ako lang ang nakaranas ng paglaroan but I was wrong mas malala pa pala ang kay skyler kaya simula raw nuon ay hindi na ito nagbalak pa na magmahal 'o makipagrelasyon man lang.

"Pumapaibig na kasi sainyo ang boss naming ubod ng sungit dati pero nagbago lang nung dumating ka dito"

Nahampas ko naman ito ng mahina sa braso, ang hilig talaga ng chikahan ng babaeng to at hindi nauubosan samantalang ako ay nasa trabaho ang inaatupag ko lalo narin para makapagipon at ng makapagpatayo rin ako ng sarili kung negosyo.

"Pumapaibig ka diyan, ikaw talaga anne kung anu-anong pumasok diyan sa utak mo. mas mabuti pang bumalik ka nalang sa trabaho mo nako"Tinawanan lamang ako nito at lumabas na, tiningnan ko ang letter.

From Lovey: Let's eat our lunch together, I gonna pitch you there have a nice day lovey.

Ang sweet talaga niya, kaya swerte ang babaeng mapangasawa niya. Pumasok naman sa isipan ko ang mga kaibigan ko duon sa manila, kumusta na kaya ang mga bruhang yun? dalawang taon narin kasi ang lumipas simula nung umalis ako at wala na akung balita o koneksyon sakanila dahil nga pinower off ko ang cellphone ko magpahanggang ngayon.

Miss na miss kona sila pati narin ang mga magulang ko, I still wonder where they is at bakit hindi nila ako binalikan hanggang ngayon. Namalayan ko nalang tumulo na pala ang luha ko, marahan ko iyong pinahid gamit ang daliri ko.

"Ano ba iyan dennice dalawang taon na ang lumipas ganyan ka parin"Panenermon ko sa sarili ko, humugot ako ng malalim na hinga at kinalma ang sarili ko bago bumalik sa pagtatrabaho.

Nagfocus na lamang ako sa trabaho ko, tiningnan ko ang mga schedule ni skyler para sa meeting nila ng mga investors niya.

Sumapit ang tanghali at gaya nung pinadalang letter sakin ni skyler ay sinundo niya ako at sabay kaming nagpunta sa isang restaurant, siya narin mismo ang nagorder sakin.

"Just eat lovey"Aniya at nginitian ako ng matamis

"Wag mo nga akung titigan ng ganyan skyler, tutusokin ko iyang mata mo"Nakanguso sabi ko at ngumoya ulit.

"I love watching your face, you're so gorgeous dennice"

Pinamulahan naman ako sa sinabi niya, hindi sa kinikilig ako sadyang nahihiya lang talaga akung sinasabihan niya ako na maganda.

"Wala akung piso skyler"Natatawang sabi ko, alam ko namang maganda ako pero nahihiya lang talaga ako pagdating sakanya kahit dalawang taon na kaming nagsasama.

"I don't need that, All I want is your kiss lovey. give me a one kiss"Napalunok naman ako sakanyang sinabi.

Seryoso ba siya? as in halik talaga!

"Tumigil ka nga skyler umandar na naman ang pagiging ganyan mo"Napailing nalang ako at pinagpatuloy ang pagkain ko.

"Don't be shy lovey, we already kiss when you we're at bar then I'm going to pitch you that time"Aniya gamit ang nangaasar na boses, mabilis kung inapakan ang kanyang paa sa ilalim ng mesa.

Lagi niya talaga iyong ipinaaalala sakin at tuwing ganon ay binabalot ako ng kahihiyan dahil sa ginawa kung yun, we're almost having sex that time at buti nalang daw talaga ay nakapagpigil non si skyler kung hindi ay baka buntis na raw ako ng siyam na buwan.

"I'm sorry lovey I'm just teasing you"Hindi parin ako umimik dahil nakakaramdam parin ako ng hiya.

Natapos ang lunch time ay bumalik na kaming dalawa sa kompanya pero hindi ko parin siya pinansin, nahihiya parin talaga ako at alam kung para sakanya ay wala lang yun.

"I buy you some food, I'll go ahead lovey"Saad niya at mabilis akung pinaharap sakanya pagkatapos ay ninakawan ako ng isang halik sa labi bago nagmadaling lumabas sa opisina ko.

Nakakainis Minsan ang pagnanakaw niya ng halik sakin, lagi na niya yung ginagawa tuwing hindi ko siya binibigyan na isang halik, napairap ako sa kawalan at naupo sa swivel chair bago humarap sa laptop.

"Makakatikim ka talaga sakin mamaya pagkauwi skyler"Nakangusong saad ko habang nakaharap sa laptop.






@Ateng_Jonnaxx

One Night Pleasure (COMPLETED)Where stories live. Discover now