Chapter 11

355 5 0
                                    

Hindi parin ako umimik sakanya simula kahapon kahit panay itong magpunta dito sa bahay at kulang na nga lang ay matulog na dito, Kasalanan niya naman yun, ang sakit niyang magsalita.

"Good morning sir Marcus"Bati ko ng makasalubong ko ito, halos magkasing edad lang kami nito.

"Good morning din denice"Pabalik na bati nito, agad naman nagbubulongan ang mga nandito na magiging kasama ko.

Tumungo ako sa may cubicle ko at naupo sa swivel chair, kinuha ko ang lapis at nagsimula ng magdesign sa isang bondpaper para pag naaprove na ang design ko ay ililipat ko nalang ito.

Abala lang ako sa ginagawa ko at hindi ko namalayan na oras na pala para sa lunch, since wala naman akung mga kakilala dito ay lumabas ako mag-isa at nagpunta sa malapit na restaurant dito sa kompanya.

Naupo ako sa bakanteng pinakadulo at nagorder na ng makakain dahil hindi ako nakakain kaninang umaga sa bahay dahil nagmamadali ako.

"Here's your order ma'am"Inilipag nito ang mga inorder ko at pagkatapos ay umalis na.

Nagsimula na akung kumain para makabalik narin ako sa trabaho at maipakita ko na kay sir marcus ang ginawa ko.

"Hi can we join you?"Napaangat naman ako ng tingin ng may magsalita sa harapan ko, si sir marcus ito at sa isang lalaki at dalawang babae ang kasama nito.

"Oo naman walang problema"Nakangiting saad ko at ibinaba ang hawak kung kubyertos.

"Hi your denice right? I'm lucas and this two girls beside me is Claudelle and Vanessa"Bumati ako sakanila at ngumiti ng matamis.

"Nice to meet you all"Ngumiti lang ang mga ito sakin habang kumakain at ganon rin ako.

"By the way denice may boyfriend kana? kung wala sana pwedeng paapply"Nakangising sabi nito kaya mabilis itong nakatanggap ng batok kay sir marcus na ikinareklamo nito.

"Don't flirt my employee Yaser Lucas"May pagbabantang ani nito sa katabi.

"Ang possessive mo naman sa mga employee mo coz"

So magpinsan pala sila nito, dapat sir din ang itawag ko kay yaser.

"Shut up yaser!"Gigil nitong saad sa pinsan. Natawa nalang ako ng mahina dahil ang lakas mang-asar nito sa pinsan niya.

"They always like that"Bulong ni vanessa na ikinabaling ko ng tinging sakanya.

"Magpinsan kayong apat?"Naguguluhang tanong ko na ikinatango naman ng dalawa, hala grabi.

Nang oras na ng trabaho ay nagpaalam na ang tatlo at sabi ni sir marcus ay sasabay nalang daw kaming pupunta sa kompanya, Hindi nalang ako umimik dahil medyo nahihiya ako kay sir marcus.

Nakarating kaagad kami sa kompanya dahil malapit lang naman yung restau na yun, bumati sakanya ang mga kasamahan ko ng makapasok kami sa elevator. tahimik lang kami hanggang makarating kami sa 50 floor, ang pinakahuli na palapag at kung saan ang opisina niya at samin.

Nang bumukas ay nagpaalam ako dito nauna na sakanya.

"Ikaw yung denice noh?"Tanong ng isang kasamahan ko at dumongaw pa talaga ito, tumango lang ako sakanya.

"Ang ganda mo subra nga pala ako si Janice bagohan lang din ako dito"Madadal nitong sabi at tumilitili pa.

"Thank you, you too"Tipid ako ngumiti, mahina akung napahalakhak ng sawayin ito ni sir marcus na bakit nakipagdaldalan sakin na oras ng trabaho.

Iling-Iling akung pinagpatuloy ang trabaho ko, alas dos ng hapon ng matapos ko ang design na ginawa ko. mahirap kasing magdesign at kailangan mo pang mag-isip ng pinakamagandang design.

"Sir ito na po ang ginawa kung design"umupo ako sa upoang nasa harap ng office table.

"This design very beautiful and fabulous"Pagpupuri nito"Ito ang unang beses kung makatingin ng ganitong desinyo at mukhang ikaw pa palang ang nakakagawa dito sa kompanya ko ng ganito denice"Dagdag pa nito habang sinusuri ang gawa kung design.

"Thank you sir"nakangiting saad ko, halos umabot sa taenga ang pag ngisi ko.

"This design is already approve"nagtatalon kaagad ako sa saya ng marinig ko ang sinabi nito.

First day of work ay approve kaagad ang design ko grabi ang ganda ng araw ko ngayon.





@Ateng_Jonnaxx

One Night Pleasure (COMPLETED)Where stories live. Discover now