Chapter 5

270 23 5
                                    

"Kahit sa likod lang ako!"

Napahawak nalang ako sa sentido ko  at marahang hinilot ito. Ngumuso si Kelly sakin at talagang nagpapacute pa ang bruha.

"Hindi nga pwede Kelly. Di ka pinayagan ni Miss Celeste diba?" Sagot ko sa kanya.

Mabilis lang kasing lumipas ang araw at sabado na, ito na ang araw na maghahiking/Tree Planting daw kami kasama si Miss Celeste. Ito ang parusa namin ni Ross. Speaking of. Halos isang linggo ko nang nakikita si Ross at ilang beses narin kaming nagkakasalubong pero di nya manlang ako tinitingnan o tinatawag. Pag oras naman ni Prof Gia ay hindi sya pumapasok. Bumabalik lang sya pag tapos na magturo si Prof at malayong malayo din ang pwesto nya sakin. Para bang hindi na nya ko nakikita.

"Pano kung may gawing masama sayo ang Ariadne na yon?! Hindi ko pa nakakalimutan ang ginawa nya kay Luna! Hinahayaan ko lang sya ngayon dahil yun ang sabi mo!" Pagmamaktol ni Kelly.

Napabuntong hininga nalang ako. Kahit ako ay hindi ko rin alam kung bakit parang hinayaan ko nalang ang nangayari na yun kay Luna.

'If you want me dead... I can.. I can kill myself just for you.'

Natigilan ako. Bigla nalang pumasok sa isip ko ang malungkot na mga mata ng babaeng yon. Maging ang katagang sinabi nya. Naramdaman ko nalang na bumilis ang tibok ng puso ko. Paulit ulit na umi-echo sa tainga ko ang boses nya.

"Andres!"

Saka lang ako natauhan nang tapikin ni Kelly ang pisngi ko. Hinarap nya ko sa kanya at nag aalala syang tumitig sa akin.

"Okay ka lang ba?" Tanong nya.

Saglit pakong di nakasagot pero tumango narin ako. Umiwas nalang ako sa kanya at bumalik na ulit akong mag ayos ng mga dadalhin ko para mamaya.

Tinuon ko nalang ang sarili ko sa pag aayos habang si Kelly naman ay nagpupumilit parin na sumama sa akin. Alam nya rin naman ang sagot na hindi pwede pero pinipilit nya parin. Sumubok na kasi kaming mag paalam kay Miss Celeste pero ang sagot nya lang samin ay 'Gumawa ka muna ng kasalanan. Baka sakaling isama kita Miss Montefalco.'

Kaya ayun. Bagsak ang balikat na umuwi ang bruha. Protective kasi masyado si Kelly sa akin. Well, hindi lang naman sakin, minsan pati kay Rochelle. Pero siguro kasi mas lamang ang pag aalala nya sakin dahil magkapatid na ang halos turingan namin. At ganun din naman ako sa kanya.

Nang matapos nakong mag ayos ng mga dadalhin ko ay nagtungo na kaming dalawa ni Kelly sa parking lot. Gusto nya raw akong ihatid para naman daw kahit papano alam nyang safe ako. Napapailing nalang ako habang nangingiti dahil di talaga sya magpapatalo.

"Bibisitahin ko nga pala si Luna mamaya." Baling ni Kelly sa akin habang binabagtas namin ang daan papuntang University.

Nilingon ko sya at nginitian. "I-Hi mo nalang ako sa kanya ah." Huling dalaw ko kasi kay Luna noong nakaraang isang araw pa.

Lumingon sya saglit sa akin. "Hindi ba talaga ako pwedeng sumama?"

"Hindi."

Ngumuso na naman ang bruha. Mukha na syang bisugo sa hitsura nya. "Isasama ko si Rochelle mamaya. May pupuntahan lang kami tapos dederetso na kami kay Luna."

Tumango tango nalang ako. Sakto naman nakapasok na kami sa loob ng University. Iilan lang ang tao dito ngayon dahil nga sabado at kadalasan walang pasok. Yung mga pumapasok lang ay yung mga gustong magpractice ng sports nila.

Pagkapark nya ng kotse ay lumabas narin kami papunta sa Detention Room. Dun daw kasi kami magkikita kita sabi ni Miss Celeste.

"Sasama ka pa talaga hanggang Detention?" Natatawang baling ko kay Kelly. Inirapan nya lang ako habang ngumunguya parin ng bubblegum. Ngayon ko lang din napansin na naka shorts at jersey din sya. Mukhang may practice din pala sila ngayon.

Dancing with the Psychopath (GL)Where stories live. Discover now