Chapter 13

492 27 31
                                    

"Lia!"

Mas binilisan ko pa ang lakad ko nang marinig ko ang boses nya sa likuran ko. Kumanan ako sa isang hallway papunta sa Architecture Building.

"Hey!"

"Eri-"

"Will you please stop just for a moment?! Damn! You're fast!"

Hindi ako nakareact agad nang hilahin nya ko sa pulso at isandal sa pader. Tiningnan ko ang mukha nyang nakasimangot na ngayon dahil sa paghahabol sakin. Kahit pinagpapawisan maganda parin tong babaeng to.

Bahagyang nakaawang ang bibig nya dahil marahas ang paghinga nya. Napalunok ako. Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko lalo na ngayo't sobrang lapit namin sa isa't isa.

"Why did you run from me?" Magkasalubong ang kilay na tanong nya nang maging kalmado na ang paghinga nya.

Umiwas ako ng tingin. Bakit kahit pawis na pawis na sya ay ang bango nya parin? Tumingin ako sa magkabilang gilid ko. Saka ko lang napansin na wala na palang estudyante dito banda dahil nasa dulo na kaming parte ng Architecture Building.

"K-kasi ang.. n-nonsense mong k-kausap.." Halos magkanda bulol bulol ako masabi lang yon. Bakit ba kasi sobrang lapit nya sakin?! Pwede naman kaming mag usap nang magkahiwalay!

"What?" Tila napipikon na tanong nga.

Pumikit ako at huminga ng malalim. Tiningnan ko ulit sya sa mga mata. "Umamin ka nga sakin.. nagsha-shabu kaba?"

"Lia. What the hell are you talking about--"

"Ikaw ang what the hell are you talking about! Ano bang akala mo sakin Eri, porket nahalikan mo na ko eh pwede mo nakong iwan ng ganon ganon lang at pwede ka na ulit humalik ng ibang babae? Pag nagsawa ka sa iba babalikan mo lang ako at aayain ng date?! Ganon ba kababaw ang tingin mo sakin? Porket maganda ka at sexy ay kayang kaya mokong makuha at mga ibang babaeng gusto mo? Masyado mokong minamaliit! Oo wala akong naging boyfriend o  girlfriend pero hindi naman ako manhid para hindi ko maramdaman na nasaktan ako nang makita kong may hinalikan kang babae! Oo wala akong experience pagdating sa pakikipag relasyon pero alam ko naman na kahit sa sandaling panahon ay nagustuhan kita! Gusto--"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang maramdaman ko ang pamilyar na malambot na labi na iyon na lumapat sa labi ko. Ang mahigpit nyang yakap na akala mo'y ayaw nakong bitawan. Tila libo libong kuryente ang dumaloy sa buong katawan ko nang maramdam kong hinapit niya ko sa beywang para mas lalong magdikit ang katawan namin.

Para akong papel na tinatangay ng hangin dahil sumusunod lamang ako sa mga galaw nya. Sa galaw ng labi nya. Namalayan ko nalang ang sarili ko na nakayakap nako sa batok nya para mas lalo pang palalimin ang halik naming dalawa. Hindi ko alam kung sakin ba o sa kanya nang galing ang ungol na yun pero ang sarap sa tenga.

Dahan dahang humiwalay si Eri sa akin at pareho kaming habol ang paghinga.

"Fvck. I missed you." Bulong nya. Malamlam ang mga titig nya. Punong puno ito ng emosyon na hindi maipaliwanag.

Sinandal nya ang noo nya sa noo ko. Pareho naming pinapakiramdaman ang isa't isa. Pumikit ako. Pilit kong pinapakalma ang sarili dahil pakiramdam ko ay sasabog nako sa sobrang lakas ng tibok ng puso ko.

Saka lang kami nahiwalay dalawa nang biglang magring ang phone nya sa bulsa ng suot nyang hoodie. Narinig ko pa ang mahinang pagmumura nya at nakasimangot syang kinuha ito.

Akala ko ay sasagutin nya ang tawag pero nagulat ako nang ioff nya ang phone nya at binalik nya ulit sa bulsa.

"Bakit hindi mo sinagot?" Gulat na tanong ko sa kanya.

Dancing with the Psychopath (GL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon