Chapter 6

233 28 6
                                    

• TRIGGER WARNING! •

The following chapter contains Drug Use, Torture, Sexual Abuse and Violence that may be harmful or traumatazing to some readers. Please skip this chapter if you're not comfortable. Thankyou.

___

"Hindi na yata mahahanap ang necklace mo, James.."
Tawag ko sa binatang nakatalikod sa akin. Hindi ko alam kung saang banda na kami ng bundok dahil wala na akong gaanong makita. Madilim na sa paligid at tanging flashlight lang ang dala namin. At ang bobo ko rin sa part na hindi ko dinala phone ko.

"Andres.."

Inangat ko ang mukha ko mula sa paghahanap ko sa lupa para lingunin si James. Muntik pa kong mapasigaw sa gulat nang nasa harapan ko na pala sya at nakatayo. Kanina nandun lang sya sa kabila ah.

Lihim akong napalunok.Bigla akong kinabahan ng walang dahilan. Para kasing nag iba ang aura nya sa paningin ko.

"N-nakita mo na?" Tanong ko sa kanya at pilit na kinakalma ang aking sarili.

Pero hindi siya sumagot. Dahan dahan akong umatras pero umabante lang din sya palapit sa akin. Nagulat ako nang hawakan nya ang magkabilang balikat ko at yumuko sya na parang akma nya kong hahalikan.

"Anong ginagawa mo?!" Sigaw ko. Mabilis akong pumalag at nagtagumpay naman ako na makaalis sa pagkakahawak nya kaya agad akong lumayo sa kanya.

Mula sa liwanag ng buwan at sa dala kong flashlight nakita ko kung pano manlisik ang mga mata ni James. Masama ang tingin nya sa akin na parang di nya nagustuhan ang ginawa ko.

"Akala ko ba ay gusto mo to? Bakit nagpapakipot ka pa ngayon?" Mababang boses na tanong nya sa akin.

"Anong sinasabi mo?! Nandito ako para tulungan kang hanapin ang--"

"There's no necklace, Andres. Sinong tanga ang maniniwala sa sinabi ko na hanapin ang necklace sa gabi? And also, My mom is still alive!" Tumawa sya ng pagak habang nakatingin parin sa akin.

Napakuyom ako ng kamao. Ako. Ako yung tangang naniwala sa sinabi nya. Ang tanga ko dahil nagpauto na naman ako.

"Alam mo bang last year pa kitang gustong tikman? Kaso masyado kang mailap. Bantay sarado ka rin ng tomboy mong kaibigan." May diin sa bawat salita nya.

"Mabuti nalang at may nagbalita sakin na napa Detention ka kaya gumawa rin ako ng paraan para madetention para makasama kita ngayon! At magawa ko ang plano ko. Hindi ko naman alam na masyado ka palang uto-uto." Tumawa sya ng parang baliw na ikinabilis ng tibok ng puso ko.

Dahan dahan na naman syang naglakad palapit sakin kaya umatras na naman ako.

Lalong nagsalubong ang mga kilay nya. "I know you also want this Andres. Is this your first time? Don't worry.. I'll be gentle."

Kinilabutan ako sa sinabi nya. Ngunit mas nangingibabaw ang takot pero ayokong ipakita sa kanya yun. Pinilit kong maging matapang sa harap nya.

"James.. hindi magandang biro to. Please. Lumayo ka sakin." Mabuti nalang at hindi nanginig ang boses ko nang sabihin iyon. Patuloy lang akong umaatras habang sya ay umaabante.

"Biro? Hindi ko gagawing biro ang ganitong pagkakataon, Andres. Pero kaya kitang paligayahin.. Kahit ngayong gabi lang."

Nakita kong mas lalo syang ngumisi at nang akma nya kong hahawakan ulit ay mabilis akong tumakbo.
Narinig ko pa ang malakas nyang tawa na umalingangaw sa paligid pero wala akong pakielam mas binilisan ko nalang ang takbo ko.

"Kahit saan kapa tumakbo Andres, mahahanap kita!"

Unti unting nagsipag landasan ang mga luha ko dahil sa sobrang takot, pagkataranta at paninisi sa sarili. Bakit ba palagi nalang tong nangyayari sakin?! Bakit sa tuwing nagtitiwala ako palagi akong napapahamak?!

Dancing with the Psychopath (GL)Where stories live. Discover now