Chapter 8

260 23 21
                                    

"He was using drugs habang nasa hospital sya. Tapos nag seizure daw at hindi na kinaya ng mga doctor na iligtas ang buhay nya."

Huminga ako ng malalim at tiningnan si Kelly sa sofa. Nasa lap nya si Luna habang hinahaplos nya ito sa ulo.

"Bakit di mo manlang sinabi sakin?"

"Para saan pa? Alam kong traumatizing ang nangyari sayo dahil sa kanya. Hindi ko na kailangang ibalita sayo na namatay sya. Besides, he deserved it anyway"

"Kelly!" saway ko sa kanya pero nagkibit balikat lang sya at tumingin na ulit sya sa phone nya.

"I won't apologize for what I've said Andres. Alam mong bang hindi lang ikaw ang nabiktima nya? Ginahasa nya rin ang isa sa mga kaklase nya. Do you know what happend to that poor girl? She killed herself. Dahil nalaman nyang buntis sya. At ang hayop na James na yon? Nakaligtas  sya sa kamay ng batas  dahil makapangyarihan ang mga magulang nya.Pero tingnan mo nga naman. Hinahabol parin sya ng karma." Mahabang paliwanag ni Kelly.

Napayuko nalang ako at hindi na alam ang sasabihin. Alam kong totoo ang sinasabi ni Kelly dahil pina imbistigahan nya si James at ang pamilya nito. Alam kong marami syang nalamang baho ng pamilya ng hayop na yun.

"Anyway.. let's not talk about him. It's not like may pumatay sa kanya diba? Sya ang pumatay sa sarili nya dahil kahit nasa hospital sya di nya kayang pigilan ang kaadikan nya." Inis na dugtong ni Kelly.

Huminga nalang ako ng malalim. Tinuon ko nlang din ang sarili ko sa panunuod ng TV.

"By the way, kanino mo nalaman ang balitang yan?"

Natigilan ako at biglang kinabahan. Sasabihin ko bang kay Eri? Pero hindi sila magkasundo diba? Pano kung magtaka siya? Panigurado marami syang katanungan.

"N-narinig ko lang sa mga students.."

Mas lalong nagsalubong ang kilay ni Kelly. Tinititigan nya ko na parang sinisipat nya kung nagsasabi ako ng totoo. Agad akong umiwas ng tingin sa kanya.

"You're lying."

"Hindi ah!" Agad na dipensa ko.

Tinaasan nya ko ng kilay at di nako nakaiwas nang pitikin nya ang noo ko.

"Namumula ang tenga mo pag nagsisinungaling ka.So tell me the truth, Thalia Andres. Kanino mo nabalitaan ang nangyari?"

Napayuko nalang ako at kinagat ko ang ibabang labi ko. Wala akong nagawa kundi sabihin kung kanino ko nalaman. Narinig ko ang pagsinghap nya nang sabihin ko ang pangalan ni Eri.

"Ariadne? Sa babaeng yon?!" Gulat na gulat na tanong nya sakin. Marahan nalang akong tumango at parang batang nakayuko.

"How?! Lumalapit ba sya sayo? Kailan nya sinabi? Kinakausap ka nya?" Sunod sunod na tanong nya.

Napabuntong hininga ako. "Kanina nya sinabi sakin nung nasa University pa tayo. Nasa Library ako nung makita ko sya." bulong ko.

Hindi agad nag salita si Kelly. Tila tinitimbang pa ang sinasabi ko. Mukang may malalim rin syang iniisip.

"Close na ba kayo?" Seryosong tanong nya. Agad naman akong umiling. Dahil yun naman ang totoo. Di ko rin naman sya matatawag na kaaway dahil hindi nya rin naman ako inaway. Hindi ba?

Pinaningkitan ako ng mata ni Kelly. Parang tinitingnan nya kung nagsisinungaling pako. Pero kumpyansa naman ako na hindi talaga. Well.. siguro kung di na sya ganun kailap.. baka.. baka pwede ko syang maging kaibigan.

Sa huli ay bumuntong hininga nalang si Kelly. Binuhat nya si Luna at dinala nya ito sa sariling higaan. Agad namang natulog ang pusa. Napangiti nalang din ako nang makita kong mukang masaya naman samin si Luna.

Dancing with the Psychopath (GL)Where stories live. Discover now