Chapter 7

276 22 46
                                    

Araw ng Miyerkules. Apat na araw na ang lumipas nang mangyari ang incident sa bundok. Apat na  araw narin akong nandito lang sa loob ng condo kasama si Luna. Oo nauwi na namin si Luna at may bagong condo narin kaming tinitirhan ngayon ni Kelly na pwedeng mag alaga ng hayop.

Ito rin ang dahilan kung bakit hindi nasasagot ni Kelly ang tawag ni Miss Celeste noong sabado dahil nag aayos na pala sila ni Rochelle ng condo. Gusto sana nila akong isurprise pero nang mabalitaan nila ang nangyari sakin ay sila ang nasurprise. Hindi nga surprise ang naramdaman nila eh. Kundi galit.

Lalo na si Kelly. Gusto nya sanang ipaalam ang nangyari sakin kila Mama pero nagmakaawa ako sa kanya na wag sabihin dahil siguradong pahihintuin nila ako sa pag aaral at baka hindi kayanin ni Mama ang mababalitaan nya. Kaya gumawa kami ng kasunduan ni Kelly na kahit anong mangyari ay ipapakulong niya si James. Hindi narin naman ako tumanggi dahil gusto ko rin naman na makulong ang hayop na yun.

Sa ngayon, excused ako ng three days sa mga klase ko dahil yun ang kabilin-bilinan ni Miss Celeste. Sya na raw ang bahalang mag explain sa mga Professor ko. Nag usap din kami na wala sanang makakaalam o magbabalita sa mga estudyante sa University dahil ayoko ng anumang atensyon na manggagaling sa ganong sitwasyon. Kaya tanging si Kelly, Rochelle, Miss Celeste at si Eri ang nakakaalam ng nangyari.

Speaking of Eri. Tatlong araw ko naring hindi sya nakikita. Hindi rin naman sya dumadalaw sa akin. Siguro kasi hindi naman talaga kami close. Biglang naalala ko na naman ang pag ngiti nya sakin. Kaya wala sa sariling napangiti narin ako. Mukha pala syang mabait pag ngumingiti. Sana dinadalasan nya yun para maganda sya lalo-- joke.

(Meow)

Napatingin ako kay Luna na nasa gitna ng sala. Nakatingala sya sakin at nagpapacute. Napangiti naman ako at hinaplos ang malambot at itim nyang na balahibo. Sa ngayon maayos narin ang kalagayan ni Luna. May benda parin ang likuran niyang paa pero sabi ni Doc Cathy next week ay tatanggalin narin daw ito. Binalita niya rin sakin na pwede pa naman raw makalakad si Luna basta itrain lang daw at sanayin ito na makalakad kahit tatlo nalang ang paa nito. Kahit papano natutuwa ako na kasama ko na sya ngayon. Dahil kung mag isa lang ako dito ngayon baka mabaliw nako kakaisip sa nangyari.

"Nagugutom kana ba?" Tanong ko kay Luna.
Binuhat ko sya at nilagay sa lap ko. Natuwa ang puso ko nang ilapit nya ang sarili nya sakin na parang nagpapalambing.

"Mukang gutom kana nga." Natatawang sambit ko. Saglit ko pa syang hinaplos saka sya binuhat at binaba sa cage nya na may foam. Naglakad ako papuntang kitchen at kinuha ang bowl niya. Nag prepare lang ako ng food nya at nang masiguro kong okay na sya ay nagtungo muna ako sa kwarto ko.

Humiga ako sa kama at tumingin sa kisame. Hindi ako sanay sa kulay kremang kisame. Malaki din ang kwarto ko ngayon. Feeling ko nga ay sobrang mahal nito. Masyadong malaki ang condo na ito para saming dalawa ni Kelly. Ano kaya kung magpart time ako para nakatulong sa gastusin? Pero panigurado pag nalaman ng bruhang Kelly yun, siguradong isusumbong nya ko kay Papa. Ayaw kasi ni Papa na magtrabaho ako at gusto nya sa pag aaral ako mag focus.

Mapait akong ngumiti. Pano ako makakapag aral ng maayos kung ngayon nga ay absent ako. Napabuntong hininga nalang ako. Ano kayang mangyayari sakin bukas pag pasok. Siguro naman ay wala ng ibang nakalaam sa nangyari.

Papansinin na kaya ako ni Eri? Sana naman ay papasok na sya sa klase ni Prof Gia. Hindi naman pwedeng palagi syang absent.

Natigilan ako nang maalala ko na naman ang mukha nya nung nasa loob kami ng kotse nya. Napahawak ako sa dibdib ko nang maramdaman ko ang mabilis na pagtibok nito. Nababaliw na bako? Bakit sa tuwing maaalala ko ang mukha nya para akong aatakihin sa puso?

Dancing with the Psychopath (GL)Where stories live. Discover now