Chapter 15

168 11 2
                                    

"Yieee!"

Hindi ko maiwasang mapangiwi sa tinis ng boses ni Rochelle. Kanina pa sya ganyan. Para syang bulate na inasinan habang gumugulong gulong sa higaan ko.

Nandito na  kami sa Condo ni Kelly. Nag aayos ako ng gamit na dadalhin para sa resort. Three days and two nights kasi kami sa Resort nila Rochelle sa La Union.

Si Rochelle kase ay wala namang aayusin na gamit dahil nauna na pala ang mga gamit nya sa Resort.

"Bakit?" Tanong ko. Nilalagay ko ang mga damit sa maliit na maleta na dadalhin ko.

"Ikaw Luv ha, akala ko ba straight ka?" Tukso nya sa akin.

Natigilan ako sa ginagawa. Naramdaman ko na unti-unting uminit ang magkabilang pisngi ko.

"Kay Ariadne Ysla Ross ka lang pala babaluktot!" Humagikgik pa sya na parang bata kaya mas lalo akong pinamulahan.

"Magtigil, Rochelle." Saway ko sa kanya para lang hindi nya mahalata na nahihiya ako.

"Pero Luv.. Nagtatampo ako. Bakit hindi ko alam na may something na pala sa inyo ni Ariadne? Bakit kay Bakelly mo lang nakwento?" Nakangusong reklamo nya sa akin.

"Hindi ko parin naman nakukwento kay Kelly ang buong nangyari.. Talagang kusa nyang nahulaan."

Totoo naman kasi na kusang  naramdaman ni Kelly ang namamagitan sa amin ni Eri. At kahit hindi ako magkwento sa kanya, alam kong alam na nya ang nangyayari dahil sa mga kinilos ko noong nakaraan.

"Nakakatampo parin! Dapat sa akin mo manlang sinabi! Tsaka Luv! Gosh! Si Ariadne yun oh! Grabe ang haba ng hair mo! Alam mo ba kung gaano kayaman ang taong yon?!" Lumapit sya sa akin at inalog alog ako. Halos mahilo ako sa ginawa niya.

"Hindi naman pera ang habol ko sa kanya."

"I know that-! "

Natigil lang siya nang may kumatok sa pinto ng kwarto. Bumukas yon at dumungaw si Kelly.

"Nasa baba na sila." Malamig na turan nya sa amin.

"Omg! As in sabay silang dalawa?! Iih!" Mabilis na bumangon si Rochelle sa kama ko at parang kiti-kiti na naman na nag sasasayaw.

"Gusto kong makakita ng dalawang nag gagandahan na babae na pinag aagawan ang bestfriend ko!" Excited sa sambit nya sa amin at nauna nang kumaripas palabas ng kwarto.

Nagkatinginan kami ni Kelly. Malalim ang tingin nya sakin kaya di ko maiwasang mapalunok. Hindi ko rin alam kung saan ko ibabaling ang tingin ko.

"Bababa narin ako. " Pormal na anunsyo nya.

"Kelly." Tumigil sya sa akmang pagsara ng pinto at tumingin sya ulit sakin.

"Galit kaba sakin? " Tanong ko.

"No. " Inirapan nya ko.

"Sinungaling." Nakalabing sambit ko.

Tinitigan nya ko ng ilang segundo at saka bumuga ng hangin. Naglakad sya papunta sa direksyon ko hanggang sa magkatapat na kami.

"Why didn't you tell me? Na girlfriend mo na pala ang babaeng yon? Akala ko ba iiwasan mo na sya? "

Marupok kase ako eh.

"Sorry.." Sincere na paumanhin ko. Ayoko narin naman idefend pa ang sarili ko dahil alam kong mali ko talaga.

"Hindi ka naman niya pinilit? Luv, blink twice if pinipilit ka lang nyang makipag relasyon sa kanya. "

Nagsalubong ang kilay ko sa sinabi niya. Seryoso pa ang mukha nya nang sabihin nya yon.

"Kelly naman. "

Dancing with the Psychopath (GL)Where stories live. Discover now