Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Nakakatakot.
Nakakapangilabot.
Di ko alam kung saan ba ako dadalhin ng mga paa.
Magulo.
Lagi kong tinatanong ang sarili ko. Masaya ba ako sa mundongtinatahak ko? Sigurado na ba ako na ito talaga ang gusto ko?
Habang tinititigan ko ang wangis ko sa salamin. Umiiling ito na para bang sumasalungat sa mga ideyangnaiisip ko, at magwiwika na,“May patutunguhan ka ba sa larangang iyan? Hindi ba't di ka naman kagalingan?”
Ganito palagi—palagi kong kinukuwesyon ang sarili ko.
Wala talaga akong tiwala sayo.
Makulimlim ang langit mukhang bubuhos na naman ang ulan. Makikisabay na naman sa isip kong nagbabadyanglimasin ang natitirangkayamanan na meron ako.