CHAPTER 12: Falling In Reverse

30 5 0
                                        

"SI Sandra." Pili sa akin ni Ron kaysa kay Kim.

Alam kong napangiti ako hindi dahil sa grupo ako ng mabibilis tumakbo napunta, kundi sa simpleng pagpili niya sa akin. Siya kasi ang napiling lider ng isang grupo at si JJ naman sa kabila. Kung hindi ako nagkakamali, labing walo kaming lahat na kabataan ang nakabalandra ngayon sa half court ng Julio Street at handang-handa na para makipagbunuan.

Papalubog pa lang ang araw, ibig sabihin ay hindi pa kami hinahanap ni Mommy at libre pa kaming maglaro ni Kuya EJ sa labas. Sabi kasi ni Mader, puwede pa raw kaming maglaro hanggang alas-siyete ng gabi sa kalye dahil summer vacation naman. Basta, 'wag lang daw kaming lalampas sa court at pumunta sa highway. Delikado raw at baka mahuli kami ng barangay.

Kaya naman, sinulit namin ni Kuya ang oras nang magkayayaang maglaro ng moro-moro. Kung tutuusin, mas eksperto talaga ang mga lalaki sa paglalaro nito sa lugar namin. Mas mabibilis silang tumakbo. Mas mautak din yata sila. At mas malalakas. Pero siyempre, kaming mga babae, gusto rin naming patunayan na kaya rin naming tumakbo nang mabilis para hindi mataya ng kalaban. Mabilis din kaya kaming tumakbo lalo't mas magaan ang katawan namin. At, hindi lang kami palamuti sa grupo dahil kaya rin naming ipagtanggol ang base namin. Kaya, walong babae ang nakipagsapalaran para sumali sa laro-ako, si Lyka, si Kim, si Ella, si Marian, si Roxanne, si Lovely, at si Anna.

Si Sandra.

Hindi pa rin mapuknat ang ngiti ko kahit na nasa hanay na ako ng mga pinili ni Ron para maging miyembro niya. Dahil nga marami kasi ang gustong sumali, hindi kinaya ang kampihan, kaya napagdesisyunan ng lahat na pilian na lang ang paraan para kumuha ng mga gustong kagrupo.

Nagsimula nang mag-Jack n Poy sina Ron at JJ. Ang usapan, kung sinong manalo sa bawat bagsak ay may pagkakataon para pumili ng isa sa magka-partner. Ayokong piliin si Lyka na partner ko dahil gusto kong magkakampi kami, kaya inilibot ko pa ang mga mata para maghanap ng suspek para makalaban.

'Ayun, si Kim.

Sa totoo lang, mas gugustuhin kong makalaban siya sa laro kaysa maging kakampi. Ewan ko ba, kumukulo talaga ang dugo ko sa kanya kapag naaalala kong dinaya niya ako minsan sa sungka.

"Kim," tawag ko sa kanya nang makalapit. "May partner ka na? Tayo na lang."

Bagama't nakita ko sa mga mata niya ang alangan ay sinabi niya pa ring, "S-Sige."

Napangiti ako pero unti-unti ring nawala nang maalala kong...

Hala. Mabilis nga pala siyang tumakbo! Wrong move ako!

Napakamot ako bigla sa ulo dahil sa naisip. Bigla ko kasing naalala na si Ron nga pala ang isa sa mga pipili ng mga magiging miyembro niya. Siyempre, hindi naman pipili ang lider ng members na mahihina at alam niyang ikatatalo ng grupo niya.

Wrong move ka talaga, Sandra!

Habang kumokonti ang pares na pagpipilian nina Ron at JJ ay siya namang tindi ng kaba ko. Well, alam kong hindi ako kinakabahan dahil baka mapunta ako sa pipitsuging grupo, kundi baka hindi ako piliin ni Ron...dahil kung bilis at lakas ang pag-uusapan, dehado ako kay Kim.

Napasimangot ako nang wala sa oras.

Simula nang mangyari ang cotillon noong birthday ko, nagkaroon ng malisya ang lahat ng bagay na may kinalaman kay Ron. Bad trip. Ultimo pagpatong ng kamay ko sa kamay niya sa tuwing magkakampihan, maging sa pagsagip niya sa akin sa outan, walang hiya, lahat 'yon mayroon nang malisya.

Euphoria /you•for•eia/Where stories live. Discover now