CHAPTER 17: Closure

25 5 1
                                        

KUNG nasa katinuan ako, malamang sa malamang, um-oo agad ako sa internship na inalok sa amin ni Miss Maricel-may weekly allowance na three hundred pesos na siguradong malaking tulong sa pamasahe ko; Tuesday, Thursday, at Saturday lang ang nire-require niya sa aming mga araw ng pagpasok, magmula alas-otso ng umaga hanggang alas-sais ng hapon. Hindi ko tuloy napigilang mapangiti nang banggitin niya ang schedule. Dagdag pa ng lady boss, malaki raw ang chance na makasama kami sa tapings ng shows na ginagawa ngayon ng production team, lalo na raw ako bilang assistant writer ni Miss Mae. Sa totoo lang, iyon talaga ang nai-imagine kong training ko-'yong mabibigyan ako ng chance na matutunan ang mga bagay sa prod nang live!

Pero sa tuwing naiisip ko na nandoon si Ron, na makikita at makakasama ko siya sa real world ng at least three days a week, gusto ko na lang pumikit at managinip. Ayaw ko na sa real world kung gano'n din lang naman. Maaasiwa lang ako.

"Pero class, sa real world na sinasabi nila, hindi ganito ang nangyayari. You don't get to choose who you want to work with. May makakatrabaho at makakatrabaho ka talagang tamad, masungit, masama ang ugali, bida-bida, gago, backstabber, o kahit selfish. Kung susuwertehin ka, mayroon ka rin namang chance to work with the kind of people who you can be friends with, some people who you can learn from, or some people who you can love...even beyond work."

Bigla kong naalala ang mga sinabi ni Sir Domingo no'ng first meeting namin sa kanya last week. Napasimangot ako.

Hindi pa ako totoong nagtatrabaho, minamalas na agad ako.

Napasapo ako sa noo ko.

Hindi ko nga makakatrabaho ang tamad, masungit, o bida-bida, pero may chance na makatrabaho ko ang isang malandi-tsaka gago na rin pala.

Buong weekend yata akong pre-occupied dahil sa nangyari no'ng Friday. Pakiramdam ko, ito ang isa sa mga pinakamabigat na desisyon na kailangan kong gawin sa buong college life ko. Nyemas! Bakit ko ba kasi kailangang mahirapan mag-decide? Sino ba siya sa akala niya?!

"Well, siya lang naman ang lalaking minahal mo no'ng summer, pero pinaasa ka no'ng parehong summer," birong sagot ni Lyka nang tawagan ko siya pag-uwi ko galing Royalty Productions no'ng Biyernes.

"The hell!" Bakas sa tono ng boses ko ang pagkainis-hindi sa kaibigan ko, kundi sa sinabi niya dahil totoo. "At ito pa, girl! Ang kapal pa ng mukha para sabihin sa 'king 'Hello, Sandra. Welcome. Hope to work with you soon.' Ugh! Buwisit!"

Tinawanan lang ako ng bruha kahit na naiirita na ako. "Girl, baka naman he meant it. Hmmm..."

"Neknek niya! Kung hindi ko lang talaga pinangarap na mag-OJT sa TV prod-"

"Whoa!" putol niya sa akin. "So...are you finally saying yes to Royalty?!" Parang na-excite siya bigla.

"Girl..." nagmamakaawa na ang boses ko. "Paano ba? 'Di ako makapag-decide!" Napapipikit pa ako kahit hindi naman niya nakikita.

Natahimik ang parehong linya, halatang mga nag-iisip. Hanggang sa narinig kong tumikhim si Lyka at sumeryoso ang pananalita. "Girl, honestly, ayaw kitang pangunahan sa desisyon mo dahil wala ako sa katayuan mo. I mean, I know where you're coming from that's why you're acting like that. Kahit naman siguro ako, magre-react ako nang ganyan...baka nga mas malala pa! Pero seriously, ito lang ha... Isipin mong maiigi. Ano ba'ng mas mahalaga sa 'yo ngayon: ang pangarap mong mag-OJT sa TV prod o 'yong hinayupak na 'yon?!"

Napaisip nga talaga ako sa sinabi niya.

"If you really want to have your OJT in Royalty, then, go for it! Bakit ka magpapaapekto sa lalaking 'yon?! Tandaan mo, kapag ginive up mo ang opportunity na ibinibigay ngayon ng Royalty dahil lang kay Ron, sa tingin mo, worth it ba? Worth it ba'ng palampasin ang isang mahalagang bagay dahil lang sa 'di mahalagang tao?"

Euphoria /you•for•eia/Where stories live. Discover now