CHAPTER 26: Checkmate

36 3 4
                                        

Saturday

August, fourth week

Batangas

A week had passed na taranta at lito ako kung ano'ng uunahin. Ang daming nangyari at nangyayari. Kung mayroon siguro akong sakit sa puso, ilang beses na akong inatake, at kung wala pa, ngayon pa lang siguro.

Believe me, ilang araw kong sinubukang umarteng normal sa university, pati na rin sa Royalty. Sinubukan kong magsalita nang hindi nauutal o natutulala sa tuwing kakausapin ako ni Julian, pero ayaw makisama ng dila ko dahil kadalasan, tinatakasan ako ng mga isasagot ko sa kanya. Sinusubukan ko ring patagalin ang mga mata ko sa kanya, pero para akong nasisilaw kapag tumititig siya. Walang epektong katulad ng ganito sa akin si Julian dati, pero simula no'ng nangyari sa Drama Fest, kahit wala pa naman siyang sinasabi o kinukumpirma sa akin, hindi ako tanga para balewalain lang ang ginawa niya o mga sinabi niya. My intuition is telling me something that my heart is trying to deny.

Hindi ko gusto si Julian. Hindi ko rin siya ayaw. Kung uso na ang totoprahin o jojowain, I might answer both. I am open to him as a friend and as someone who I can love beyond friendship...I think. Kilala ko na siya simula first year. I get used to his mannerisms, to his nuances, to the ways he thinks, to his gentle words, and even to how his eyes speak. I am familiar with him, and familiarity is good.

Sabi ng mga kaklase namin, kami na lang yatang dalawa ang hindi pa nakaaalam na ang perfect namin tingnan together. Kasi raw, we usually share the same thoughts; we like the same interests. Magka-wavelength din daw kami. And everytime we belong to the same group or paired up to do something for school, we produce a very good result. They say, we are born to be partners...kahit sa totoong buhay.

Pero sa apat na taon ko nang kasama si Julian sa halos lahat ng klase, group projects, meetings, overnights, at extra-curricular activities, I have not seen him as someone I can be with beyond school. Not yet. When he's around, I feel comfortable, but not home. Not yet. When he's trying to talk sweet and nice to me, I smile, but I don't feel the butterflies and the knot in my stomach. Not yet. When he does something for me or surprise me, my heart skips a beat, but I don't get drowned from that feeling. Not yet. And should I think of that as a problem? Ngayon na parang bago kami grumadweyt, ang mga kilos niya ay may gustong sabihin sa akin? Yes, Julian is very likeable. But I don't know what's that something that is stopping me from liking him? Or someone?

I know that seeing Julian or talking to him wouldn't change a thing about us. But neither is avoiding him. Alam kong mas lalo lang siyang magtatanong o magiging makulit kapag iniwasan ko siya. He's too precious for me para layuan nang wala pang malinaw o mabigat na dahilan. So I decided to join him sa company outing ng Royalty.

Alas-sais pa lang ng umaga, nakapag-almusal na ako ng nilutong omelette ni Mommy. Kahit na readying-ready na ang mga gamit ko sa isang black na duffel bag, parang ayaw pa rin akong paalisin ni Daddy.

"Sure ka bang okay ka lang doon? Mamaya, madulas-dulas ka roon..."

"Dad," malambing na saway ni Mader habang nagpapalaman ng chicken ham sa white bread sa lamesa. "Malaki na 'yang baby mo. Paano matututo 'yang gumala mag-isa kung..."

"Hindi naman, My. Baka lang kasi mag-enjoy siya nang sobra, eh hindi naman natin kilala pa ang mga kasama niyan..."

"Si Julian nga raw. Tsaka ang boss nila kasama, 'di ba, Sandra?"

Tumango lang ako, hindi makasagot dahil may lamang sandwich ang bibig. Ngunit nang matapos ngumuya at lumunok... "Dy, magte-text po ako at tatawag. Kung gusto mo, video-call pa!" sabi ko nang excited para hindi siya sobrang mag-alala.

Euphoria /you•for•eia/Donde viven las historias. Descúbrelo ahora