"I know...I know. It sounds crazy. Pero totoo, sinulatan kita. Hindi lang isang tula o dalawang istorya, o tatlong love letters...kundi isang libro. Ewan ko kung paano nagsimula. Lahat yata ng gusto kong sabihin sa 'yo sa sampung taon, nasa librong 'to. Lahat ng ikaw, sa 'yo, mo, o iyo sa librong 'yan...ikaw ang tinutukoy."
"Bakit ako?"
"Hindi ko rin alam. Alam mo, lahat ng memories kasama ka... uhm... na... uhm... kaya kong... uhm..."
"Cut!" sigaw ni Veronnieca sa gilid ko. Tumama agad ang mga mata niya kay Samantha. "Sam, ano'ng nangyari?!" iritadong tanong niya.
"Sorry, Veronnieca, nalimutan ko lang 'yong ibang lines sa dulo..." nahihiyang sabi ni Sam at pagkatapos ay kinagat ang ibabang labi.
"Susme, Sam, pang-anim na take na natin 'to, hindi mo pa rin kabisado?"
Tahimik lang kaming lahat na nakapaligid sa set dito sa maliit na espasyo ng second floor ng café na pinagshu-shootingan namin ngayon.
Hindi naman namin masisi si Veronnieca dahil kanina pa kaming alas-siyete ng umaga rito. Ang paalam lang namin sa manager ng café, matatapos kami ng alas-tres ng hapon. Pero mag-a-alas-dos na, nangangalahati pa lang kami sa mga eksena na dapat kuhanan.
Kahit na nakapagsimula na kaming mag-shoot kahapon sa Vermont Park para sa ilang eksena, marami pa ring naiwan sa script. Most of the scenes will be shot here in the café, and we're shooting the confrontation scene right now—the most important one. Kaya naman, medyo intense na ang lahat sa set.
"Nando'n na eh! Sayang 'yong emosyon." Napapakamot ng ulo ang direktor namin nang lumapit kay Julian at may sinabi.
Pinilit kong huwag sumabay sa tensyon sa paligid dahil alam kong walang mangyayari at hindi kami matatapos. Kaya naman, nag-isip ako ng puwedeng maitulong. Dali-dali akong umalis sa kinauupuan malapit sa camera 2 at pinuntahan si Sam sa gitna ng maliit na table na halatang kinakabahan.
"Hey, Sam, everything's okay?" Nginitian ko siya nang malaki para kumalma siya at saka tumabi sa bakanteng upuan.
Na mukhang effective naman dahil ngumiti rin siya pabalik sabay sabing, "Yeah, medyo tensed lang..." Ipinaypay pa niya ang dalawang kamay sa mukha na parang makatutulong iyon sa pagre-relax niya.
"Calm down. You're doing a great job!" Tinapik-tapik ko ang balikat niya. "Sige, gan'to. Saan ka nahihirapang lines? Maybe we can trim the other lines or puwede rin nating i-simplify."
Lumambot ang mukha niya sa suhestiyon ko. "Aww. That's sweet of you, Sands. Sige, tingin ko, dito..." May itinuro siya sa kopya ng script na hawak.
Matapos ang ilang minute naming pag-uusap ay saktong tinawag ako ni Veronnieca para sabihing, "Alright, let's go back to recording! Sandra, I need you here..."
Bago ko iwan si Sam ay nag-thumbs up ako sa kanya at lumabi ng, "You can do it!"
Nang papalapit na ako kay Veronnieca na nakaupo na malapit sa camera 1 ay nakakunot ang kanyang noo sa akin na parang nagtataka sa naging pag-uusap namin ni Sam. Kaya naman, "I just helped her in running through the lines." I forced a smile at her. "May lines akong sinimplify, just for her to memorize easily—"
"Good. That's your job naman kasi."
Uminit bigla ang pakiramdam ko kahit na kanina pa ako nilalamig dahil sa lakas ng buga ng aircon sa buong second floor. Nagpanting din ang tainga ko. Parang nabingi bigla at bumara ang lalamunan ko na gustong sumabog anumang oras. Pero mabuti na lang...

ВЫ ЧИТАЕТЕ
Euphoria /you•for•eia/
Любовные романы/you•for•eia/ n. anything or anyone who makes you smile or happy or excited or confident or fall in love-deeply, slowly, and then all of a sudden. DISCLAIMER: This book is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incident...