June 3
Wednesday, 8AM
Film & Photography Class
"... I want you to come up with something that's out of the box, 'yong hindi pa napanonood sa mainstream."
Tuloy-tuloy pa rin sa pagsasalita si Sir Domingo tungkol sa kung paano namin gagawin ang short film project. Gaya ng naipangako niya last meeting, ngayon namin idi-discuss ang requirements para makapasa sa subject niya. He wanted us to produce a fifteen-minute short film before the semester ends. Bahala na raw kami kung anong konsepto, basta out of the box.
"Class, if you want your work to stand out, think of something that hasn't been shown on TV. Alternative media, ika nga!"
Alas-otso y media pa lang ng umaga pero pakiramdam ko, batak na batak na ang utak ko. Sabi rin kasi ni Sir Domingo, bago raw mag-alas-dose, may mai-present man lang sana kaming concepts sa kanya para maaprubahan niya agad at makapagsimula nang mag-shoot. Gano'n katindi!
Tahimik lang ang buong klase-hindi ko alam kung may nakikinig pa kay Sir Domingo o abala na ang lahat sa brainstorming.
"What if LGBTQ ang topic?" suhestiyon bigla ni Sam sa harap ko.
Nakapalibot ang buong grupo sa mahabang table, nagsisimula nang magbatuhan ng ideas.
"What about LGBTQ?" si Veronnieca na direktor ng gagawin naming pelikula.
Kahapon kasi, napagdesisyunan ng grupo na magkaroon ng online meeting para mapag-usapan na ang possible concepts at roles ng bawat isa. Binilinan kasi kami ni Sir Domingo last Monday na pumili na ng mga tao for specific production roles para hindi na raw magulo.
"Iniisip ko lang na puwede nating i-discuss 'yong gender inequality?" sabi pa ni Sam.
"Uhm, let's ask the head writer. What do you think, Sands?" baling sa akin ni Veronnieca. Napatingin naman sila sa akin.
"I'm okay with the idea, though, masyado lang sigurong malawak? And, I think marami na ring films about that sa mainstream, baka tanggihan ni Sir," medyo nahihiya kong sabi.
"Ay oo nga," halos sabay na sambit nina Bev at Marian na kanina pa ring nakikinig.
Saglit pa kaming natahimik, parang nauubusan na ng ideas. Hanggang sa...
"What if love story?" si Glory Jane, GJ for short, writer din ng grupo. "I mean, love story with a twist."
"And that twist is...?" Hinihintay ni Veronnieca ang sasabihin ni GJ.
Pero walang dumating.
"Baka we can work on that," masiglang sabi ni Julian na katabi ko. "Hindi kasi puwedeng malaos ang love story, eh. We just have to find that twist na sinasabi ni GJ." Tumingin sa akin si Julian. "What do you think, di-... Sands?"
Itinago ko ang ngiti ko kay Julian. Mabuti naalala niya ang paalala ko sa kanya kahapon nang matapos ang online meeting namin. Mahigit dalawampung beses niya yata akong tinatawag na direk, kahit hindi naman na ako ang direktor ng grupo.
Alam kong natutuwa lang siya na tawagin ako nang gano'n na parang palayaw ko, pero sabi ko sa kanya nang mag-send ako ng private message matapos ang meeting namin...
Sandra Alysa: Uy, Julian, huwag mo na akong tawaging direk plssssssss ***insert shy emojis****
YOU ARE READING
Euphoria /you•for•eia/
Romance/you•for•eia/ n. anything or anyone who makes you smile or happy or excited or confident or fall in love-deeply, slowly, and then all of a sudden. DISCLAIMER: This book is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incident...
