CHAPTER 19: Internship(ping)

17 3 0
                                        

Saturday

June 13, Royalty Productions

Day 2 | 16 hours

HINDI katulad no'ng Huwebes, hindi sumang-ayon sa akin ang daloy ng traffic ngayong umaga sa EDSA. Alas-sais pa lang, gising na gising na ako habang nag-aalmusal, kaya hindi ko maintindihan kung bakit inabot ako ng 8:45AM sa kalsada.

Ang weird talaga ng EDSA. Sabado ngayon pero tinalo pa ang bagal ng usad kapag Mondays o Fridays. Nakakairita!

Kahit na tahimik lang akong nakatayo at bumabalanse sa bandang unahan ng bus dahil punuan, nanginginig na ang buong kalamnan ko sa inis. Hindi ako puwedeng ma-late!

Ilang beses ko na ring naramdaman ang pag-vibrate ng cell phone ko sa bag. Alam kong kanina pa ako sinusubukang tawagan ni Julian, pero hindi ko magawang sagutin dahil hindi ko makuha-kuha ang telepono ko dahil ipit na ipit na ang katawan ko sa pagitan ng dalawang babae ngayon. Pakiramdam ko, naghahalo na ang pawis at amoy ng pabango naming lahat. Hindi naman Friday the 13th ngayon, pero bakit ganito kamalas?!

Hanggang sa, "Oh, Kamuning! Kamuning!" sumigaw ang konduktor at pumalo sa may isang bakal na hawakan gamit ang piso. "Mga Kamuning diyan!"

Huminga ako nang malalim bago marahas na nakipag-gitgitan palabas ng bus. Totoo nga 'yong sinasabi nila... Hindi ka pa nakapapasok sa trabaho, mukha ka nang pauwi. Kaloka! 8:54 a.m. na pagkakita ko sa relo ko.

Mabilis kong tinakbo ang kalsada at tumawid ng tulay papuntang building ng Royalty. And yes, four minutes before 9 a.m., I made it to the office and knocked.

Kinalimutan ko nang huminga nang isang bagong mukha ang sumalubong sa akin sa glass door. Hindi pamilyar. Parang nasa mid-40s ang edad ng hindi katangkarang lalaki. May ilang hibla na rin ng puting buhok sa ulo at sa baba. May kalakihan din ang tiyan at malawak ang ngiting bumati sa akin pagkabukas ng pinto. "Hello!"

Ngumiti ako kahit na ang bilis pa rin ng tibok ng puso ko dahil sa pagtakbo. "Hello po, Sir!" Bahagya pa akong tumungo.

Niluwagan ng lalaki ang pinto at pumasok na ako...para lang salubungin ang lahat ng mga matang nakatingin sa akin-mga matang nakita ko na kahapon at mga matang nakapaninibago.

"Good morning, Sandra girl!" masayang bati ni Ate Mary nang lumabas siya galing sa maliit na opisina ni Miss Maricel. May hawak siyang maliit na tasa ng kape.

Napatingin ako sa kanya nang may alanganing ngiti. Alam kong ilang minuto na lang, late na ako. Shit. Not good for the second day. "Good morning po, Miss- Ate Mary."

Pero mukhang hindi alintana ni Ate Mary ang buzzer-beater na pagpasok ko ngayong araw. "Magpahinga ka muna sandali. Kalma ka lang. Wala pa namang nine." Tapos ininguso niya ang desk ko para maupo. Napangiti ako sa pagiging cool niya.

Nang makalapit ako sa computer ko, magaan naman ang ngiti sa akin ni Julian...pati na rin ni Ron. Ang weird.

"Bakit muntik ka nang ma-late, Geenee?" bulong ng kaibigan ko nang lumipat siya ng upuan sa tabi ko.

Ang unfair talaga. Bakit parang never kong nakitang na-haggard si Julian? Magulo na maayos ang buhok niya na hindi ko ma-explain. Parang ang sarap lang kasing hawakan dahil mukhang malambot. Naka-polo shirt siyang dark blue at maong pants, at na-realize kong mas hot siya kapag hindi naka-uniform.

Ipinilig ko ang ulo. Ang aga-aga ng pantasya ko. Hindi pa rin natitinag ang magaan na ngiti niya, mukhang naghihintay ng sagot ko. "Uhm, k-kasi ang traffic sa EDSA." Ngumuso ako. "Alas-siyete naman ako umalis ng bahay pero wala, hindi pala kaya ng dalawang oras ang biyahe ko."

Euphoria /you•for•eia/Место, где живут истории. Откройте их для себя