Chapter One

2.4K 55 0
                                    


SA IILANG guests na nasa lobby ng hotel ay kanina pa pabalik-balik ang paningin ni Mackenzie sa lalaking nasa isang sulok ng lobby. Palakad-lakad ito at patanaw-tanaw sa may entrada ng hotel. At may palagay siyang halos isang oras na roon ang lalaki. Naroong maupo sa lounge at naroong tumayo.

Mula sa kinaroroonan niya'y hindi niya gaanong malinawan ang mukha nito dahil nakaharap ito sa may hotel entrance. At may kung ilang daang beses na itong tumitingin sa relong pambisig. Mayroon marahil itong kausap at hindi pa dumarating.

He was wearing a pair of salt-and-pepper wool slacks and black long-sleeved polo shirt na nakarolyo sa braso nito nang bahagya at tama lang na nailabas ang wristwatch.

Mayamaya ay tumayo ito, muling tumingin sa relo sa bisig. Bahagyang lumakad palapit sa hotel entrance at mula sa salaming pinto ay pinaglagos ang tingin sa labas sa may parking area.

Nanatiling nakatayo roon ang lalaki, giving himself enough distance from the incoming guests. Ang isang kamay ay nasa loob ng bulsa ng pantalon.

"Turn around, c'mon..." usal niya habang pasulyap-sulyap sa lalaki.

Katamtaman ang taas nito. Five feet and ten inches. And he had a great rear view... nice butt. Sexy.

Subalit ang kabilang isip niya'y kumokontra. Because a great rear view didn't guarantee a great face.

Mula sa kinaroroonan niya'y nagsisikap siyang i-sketch ang kabuuan nito. What she was doing was so easy for her. She took up Fine Arts in UP and had the potential of becoming a good artist. But she didn't finish the course. Namatay ang tiyahin niyang kumukupkop sa kanya.

And yet she was so happy to have landed a job in this four-star hotel as clerk to one of the hotel's shops. Hers was a flower and art shop.

Thanks to Karen, ang kaibigan niya at pamangkin ng may-ari ng shop na si Mrs. Carmela Nieto.

At sa mga panahong ito ay hindi matalinong mamili ng trabaho. But then she enjoyed her job of six months. Bagaman hindi kalakihan ang suweldo'y hindi naman mahirap ang trabaho. Bukod pa sa gusto niyang i-entertain ang ilang customers na nagnanais bumili ng mga painting sa kanugnog na art shop ng kung sino-sinong artist. She was only too glad to answer pertinent questions regarding some artists and their style.

At isiping napakaraming graduates na walang trabaho sa ngayon. At wala siyang masabi sa boss niya. Pinayagan ni Mrs. Nieto ang hinihingi niyang bakasyon para sa nalalapit niyang kasal. Ayon kay Mrs. Nieto'y hindi peak season ngayon. Walang gaanong guests at customers. Lalo na ang mga turista. Kakayanin ni Karen, na nag-off sa araw na iyon, at ang dalawa pang tauhan ang trabaho sa shop habang absent siya.

Her eyes trekked back to the man in black long- sleeves and salt-and-pepper wool slacks. Bahagya itong napatagilid sa kanya dahil muling nagbalik sa lounge.

"Hmmm... nice profile, eh," she murmured smiling, at itinuloy ang pag-i-sketch.

Pag-angat niya ng mukha'y humakbang ang lalaki patungo sa may bahagi ng shop. Then her heart started to beat faster when she saw him walk towards her shop.

Sa shop mismo ito patungo! He was a few feet away and to her amazement, the front view was even better than the back.

At hindi huminto sa glass counter ang lalaki kundi dere-deretso sa may mesang kinauupuan niya. And her breath got caught in her throat because up close the man was handsome.

Wala sa loob na ngumiti si Mackenzie. Ngiting awtomatikong lumalabas sa mga labi niya tuwing may lalapit na customer.

Tumikhim ang lalaking nasa harap na mismo ng mesa. "Excuse me. Would you please tell Karen that I would like to speak to her?"

All-Time Favorite: Mackenzie & JamesWhere stories live. Discover now