Chapter Four

1.4K 42 12
                                    


MARIANNE?" Sandali lang niyang tinitigan ang dalagita, lumampas ang paningin niya sa mga balikat nito patungo sa driver ng four-wheel drive.

"Hi," bati ni James at magalang na ngumiti. Kung ngiti ngang matatawag ang bahagyang pagtaas ng isang sulok ng bibig nito.

"Sakay na. Ihahatid ka na namin ni Kuya."

Alanganin siyang nakatayo roon nang lumabas si James at binuksan ang pinto sa backseat. Wala sa loob na lumakad siya patungo sa sasakyan at sumakay. Banayad na isinara ng binata ang pinto at bumalik sa driver's seat.

"G-good morning," bati ng dalaga nang makapasok at paandarin na muli ni James ang sasakyan.

"Saan ka patungo?" tanong ni Marianne na lumingon sa kanya sa backseat.

"S-sa dress shop ng kapatid ng boyfriend ko. Ngayon ako mamimili ng tela para sa wedding gown."

Sinabi niya ang address at sumulyap kay James sa may rearview mirror. Nasa daan ang konsentrasyon nito. Tila walang pakialam sa usapan nila ni Marianne.

"Sa bayan iyon. Mauuna ang escuelahan ko." Bumaling ang tingin nito sa kapatid. "Ako na lang ang magbabayad, Kuya. Ihatid mo na si Mack. Dalawang sakay pa ang gagawin niya at hindi pa naman niya kabisado rito sa atin."

"Oh, no," mabilis niyang protesta. "Hindi na kailangan. I can manage, really."

"Wala namang gagawin si Kuya kundi ang magmuk—" Hindi naituloy ng dalagita ang sinasabi nang titigan ni James.

"Wala akong gagawin," si James at sumulyap sa kanya sa rearview mirror. "Ihahatid na kita."

Hindi na siya kumibo. She was trying to detect kung napipilitan lang ang binata dahil sa udyok ng kapatid subalit walang emosyon ang tinig nito.

Hindi nagtagal ay ibinaba nila sa gate ng isang pribadong paaralang pang-high school si Marianne. Lumipat siya sa may harapan.

"Small world," ani James nang nasa daan na sila uli. "Akalain mong ang probinsiya palang sinasabi mo sa akin ay dito mismo sa amin."

"Yes," sagot niya. Tumikhim. "How have you been doing?" Huli na para bawiin ang personal na tanong na hindi dapat dahil hindi naman sila talaga magkaibigan. "I—I'm sorry. I didn't mean to—"

"That's okay," wika nito. "Were you there? Did you see how she made a fool of me?" May bahid ng kapaitan at galit ang tinig nito.

"You're still breathing."

Alam niyang nilingon siya ng binata subalit nanatili siyang sa daan nakatingin. What made her say that, beat her. Marahil dahil sa isang bahagi ng isip niya'y hindi niya gustong sirain ni James ang sarili dahil sa ginawa ni Sheila.

Pagkuwa'y isang marahang tawa ang pinakawalan nito. Kauna-unahan mula nang mangyari ang hindi pagsipot ni Sheila sa kasal nila.

"I guess you're right," he said seriously. "She made me look like a fool when she didn't show up at the wedding and I made myself even more nang magmukmok ako sa bahay sa loob ng tatlong linggo..."

"Bakit... hindi siya dumating sa araw ng kasal ninyo?" Ang kuryosidad niya'y hindi niya maawat.

Nagkibit ng mga balikat ang binata. "Maliban sa hindi na matutuloy ang kasal dahil hindi darating si Sheila ay wala nang iba pang eksplanasyong sinabi."

"You'll get by," she said sincerely.

Matapos siyang titigan sandali ay tumango si James na binuntutan ng malalim na paghinga. Namagitan ang katahimikan. Sinuyod ni Mackenzie ng tingin ang daan. Miminsan pa lang siyang naisama ni Perry sa dress shop ng kapatid nito na nasa mismong ibaba ng bahay nito.

All-Time Favorite: Mackenzie & Jamesحيث تعيش القصص. اكتشف الآن